Ruffa Gutierrez open to working with former BF Zoren Legaspi: “Walang problema at all.”

Ruffa Gutierrez on possibility of working with former boyfriend Zoren Legaspi: “Zoren and I have a good working relationship. And we’ve worked already so many times in the past. So walang problema working with Zoren. Carmina [Villarroel, Zoren’s wife] and I, magkumare kami so walang problema at all.”


Open is Ruffa Gutierrez na makatrabahong muli ang dating boyfriend at leading man na si Zoren Legaspi (na ngayo'y happily married sa aktres na si Carmina Villarroel).

Sagot niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Wala namang problema, e.

“Zoren and I have a good working relationship. And we’ve worked already so many times in the past.

“Carmina and I, magkumare kami so walang problema at all.”

MISSING HER FORMER LEADING MEN. Sino pa sa mga naging leading men ni Ruffa ang nami-miss niya at gusto niyang makatrabaho ulit?

“Marami akong gustong makasama na mga nakatrabaho ko dati. Ah well, si Richard Gomez," sagot ng Miss World 1993 second runner-up.

Si Aga Muhlach?

“Parang hindi na siya active, e.”

Si Robin Padilla?

“Bakit puro lalaki? Hindi ba puwedeng babae?” sabay tawa ni Ruffa.

“Basta gusto kong makatrabaho ulit si Richard Gomez, si Bea Alonzo, si John Lloyd Cruz, uhm… si Vice Ganda.”

Paano kung masalang na naman sila ni John Lloyd sa mga intriga kapag nagkatrabaho ulit sila?

Paglinaw ni Ruffa, “Ay, gano’n? E, sanay na kami sa intriga.

“You know, okey lang naman as long as it’s just for work.”

Sa puntong ito, saan humuhugot ng inspirasyon at kaligayahan si Ruffa?

FEELING COMPLETE. “My kids [Lorin, 12, and Venice, 11]. Sila ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan ngayon.”

May naiisip pa ba siyang kulang sa buhay niya ngayon, or does she feel complete dahil, aside from her kids, nandiyan ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal?

“Yeah, I feel very complete with my life. Wala na akong hinihingi pa.

“And if ever na… you know may madagdag pa do’n, it’s just a bonus,” pahabol ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN