Piolo Pascual accepts that son Iñigo won't be needing him in the future

Piolo Pascual says he does not want to be clingy to his son Iñigo and wants to have his own time. He explains, "I don't wanna be clingy because I also wanna have my own time. I also wanna be able to do things on my own, but I'm always there for him, no matter what."


Tanggap ni Piolo Pascual na darating ang panahong pipiliin ng anak na si Iñigo na maging independent at magkaroon na ng sarili niyang buhay.

Pahayag ng Kapamilya matinee idol, “I don't wanna be clingy because I also wanna have my own time.

"I also wanna be able to do things on my own, but I'm always there for him, no matter what.

“Of course, it hurts me, like yung sa concert nila last night. He chose to hang out with people his age.

"Sobra akong na-hurt, pero siyempre wala kang magagawa."

Nitong Huwebes, August 27, ang akala ni Piolo ay sila ni Iñigo ang magkasamang manonood sa concert ng American band na Imagine Dragons.

Natatawang patuloy niya, “And then, after less than five minutes, nandun na siya the whole time [with his friends].

"Sabi ko, 'Salbaheng bata 'to, a!'

“Pero inevitable 'yon, e. He would want to hang out with peole na makakabiruan niya.

“But at the end of the day, tatay pa rin niya ako, so yun.

"Parang, for me, huwag ka lang magmamadali because it will affect you in a way na hindi mo maku-control, yung mga taong nagpo-phone, nagso-social media, baka masaktan ka lang din."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Piolo sa press confence ng iniendorso niyang Sun Life Financial, noong Biyernes, August 28, sa Souq Restaurant sa San Fernando, Pampanga.

SOCIAL LIFE. Sa isang punto ng interview, sinabi ni Piolo na hindi siya nagkukulang ng mga paalala sa 17-anyos na anak pagdating sa social life.

Nakikita naman daw ni Iñigo ang mga karanasan ng ama bilang isang artista.

“Kasi party boy ako when I was young, di ba? Takot tayo sa sarili nating multo.

“Sabi ko, 'Kalma ka lang, huwag ka lang magmadali.'

"Especially nowadays, prevalent ang mga nagda-drugs sa clubs, so nakakatakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can't be with them 24/7."

Dagdag niya, “He knows better, nakikita naman niya ako.

"At the end of the day, just know what is right, just know what is good.

“Yung mga bagay na kailangan kong sabihin sa kanya, hindi ko na kailangang sabihin dahil nakikita naman niya sa akin in this business.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN