Claudine Barretto on long-awaited return to ABS-CBN: “Parang feeling ko, I’m home again.”

Claudine Barretto on her long-awaited ABS-CBN homecoming: “This is my home naman talaga, and I’m so happy and blessed to be back home. Lahat sila open arms, lahat sila na-miss ko.”


Kumalat sa social media ang mga litrato nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na kuha mula sa red-carpet premiere ng pelikulang Milan noong August 17 sa UP Cine Adarna.

Isa ang Milan sa maraming pelikula na ni-restore at ni-remaster ng ABS-CBN Film Restoration na pinangungunahan ni Leo Katigbak.

Marami sa mga masusugid na tagahanga nina Claudine at Piolo ang nabuhayan ng loob nang mabalitaang muling magtatambal ang dalawa.

Kinumpirma ni Direk Wenn Deramas na naghahanda siya ng isang pelikula na muling pagtatambalan nina Piolo at Claudine.

Sinabi naman ni Claudine sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News na masaya siya sa muli nilang pagkikita ng dating kapareha at sa balitang muling pagtatambal nila.

“Pareho kami ni Piolo. Nagulat kami.

“My gosh, grabe!

"Parang kailan lang nung nag-premiere night kami a few years back, and now ganun pa rin yung ano ng tao sa amin.

“Yung pagmamahal saka yung suporta, parang nata-touch kami ni Piolo.

"After nga, kumain kami sa labas, sa kanya ko nakuha yung word na surreal.

“Di ko alam kung ano ang nangyayari, pero I’m really happy.

"Iñigo [Piolo's son] was there also. Sana si Julia [Barretto, Claudine's niece] kasama.

“Nakita kasi ni Iñigo na if you do a good movie, na palagi namang ibinibigay ng Star Cinema sa akin ever since talaga, kahit ilang taon pa makalipas...

"People will come to watch it if you have a good film, good director, good actors.

"Sobrang happy ako.

“Actually, really excited ako kasi alam naman nating lahat na laking-Direk Wenn ako, e.

"Ang dalawang tao na mentor ko talaga is Tito Johnny Manahan and Direk Wenn.

“Then, how many years, nabigyan na rin ako, na-bless na rin ako na makatrabaho naman ang mga magagaling nating mga direktor, like sila Direk Chito Roño, Olive Lamasan, Rory Quintos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila Direk Cathy [Garcia-Molina] and Direk Ruel [Bayani], mga AD [assistant director] pa lang sila noon.

“Excited din ako na makatrabaho sila.

"It's not every day na binibigyan ka ng pelikula na sunud-sunod—may Rory, may Olive, may Wenn.

"Sobrang blessed ako."


EXCITED ABOUT NEW BATCH OF YOUNG STARS. Dinubsmash nina Iñigo at Julia ang pelikulang Milan, kung saan pinahiwatig ng dalawa na gusto nilang i-remake ang nasabing pelikula na unang pinagbidahan nina Piolo at Claudine.

Aprubado ito kay Claudine, lalo’t hindi iba sa kanila ni Piolo sina Iñigo at Julia.

Aniya, “Yes, that’s true.

"Sana mas better pa, sana magkapelikula kami ni Piolo kasama silang dalawa para maganda."

Tinanong namin si Claudine kung sino sa sa mga kabataang artista ngayon ang maaaring sumunod sa yapak niya.

“Julia Montes and Julia Barretto, because si Julia [Montes] kasi, I see myself so much in her, e.

“She’s doing Doble Kara and nakikita ko pa lang yung teaser, ang galing ng batang ito.

“Sa age niya, siya lang yung open to take more challenging roles kumpara sa mga iba.

"And hindi niya kailangan ng loveteam. Kaya niya, kaya niyang kargahin mag-isa."

Tungkol naman sa pamnagkin niyang si Julia Barretto, ani Claudine, “I want to work with Julia again.

"Baby pa siya nung nakatrabaho ko siya.

“Last night, natulog nga ako sa bahay nila. Kuwentuhan lang, bonding lang kami talaga.

"Ang dami niyang tinatanong about showbiz. 'Mom, is it like this, is it like that?'

"Napakalambing na bata."



OVERWHELMED WITH WARM RECEPTION. Marami sa young stars ang nagpakita ng paghanga at respeto kay Claudine sa huling guesting niya sa ASAP XX.

Isa rito si Robi Domingo, na lumuhod pa para magbigay-pugay kay Claudine.

Ikinatutuwa naman ng aktres ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa Kapamilya network, na naging tahanan niya sa loob ng matagal na panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa, kasi napanood ko sila, pero siyempre di ko pa sila nakakatrabaho or ano.

"Di ko alam kung napapanood ba nila yung mga pelikula ko dati.

“So, parang sobrang na-overwhelm naman ako.

"I’m really happy, kasi yung mga artista ngayon, pinapanood pa rin yung magagandang pelikula.

“Super happy! Parang feeling ko, I’m home again.

“Sobrang excited, kasi nga ang tagal-tagal ko nang di nag-ASAP, na-miss ko ang lahat ng mga tao dito.

“Last night, parang nagsi-senti ako, 'My gosh, it has been my home for how many years? Twenty years of my life, and now I’m back.'

“Talagang sobrang thankful ako sa Star Cinema, and of course, kila Boss Vic [del Rosario], Tita Malou [Santos], Mr. M [Johnny Manahan], Tita Mariole [Alberto], at sa lahat-lahat talaga.

“This is my home naman talaga, and I’m so happy and blessed to be back home.

"Lahat sila open arms, lahat sila na-miss ko."



ETIQUETTE FOR MISTRESSES. Kinumusta rin namin kay Claudine ang shooting ng pelikulang Etiquette for Mistresses, na pagsasamahan nila nina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu for Star Cinema.

“This is the second time I'll be working with Kris and Direk Chito Roño.

“Yung unang movie namin was yung Sukob.

"Lahat naman nakatrabaho ko na; like si Iza nakasama ko sa Milan, si Kim nakasama ko sa Maligno.

"So it was easy to work with these people.

“Tapos, si Direk Chito pa. Alam na alam ko ang style niya sa pagdidirek kaya magkasundong-magkasundo kami.”

Inamin ni Claudine na nung una ay nakaramdam siya ng kaba sa kanyang pagbabalik-pelikula.

“Alam mo nung una, bago mag-shooting, puro nerbiyos talaga ako.

“Excited ako at ninenerbiyos, pero nung nag-shoot kami nung first day, 5 A.M. na natapos. Lahat sila pagod na, ako happy pa rin ako.

“Kasi ilang years, three years din akong di sumalang sa camera and all, parang super surreal yung feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super thankful, kasi nandiyan pa rin yung Claudinians saka yung suporta ng ABS.”

Marami rin ang nag-aabang sa pagbabalik-teleserye ni Claudine.

Ayon naman sa aktres, nami-miss din niya ang paggawa ng mga soap opera.

“Magpu-focus muna ako sa pelikula, and then I’ll start doing soap opera kasi na-miss ko. Iba rin ang soap.”

SANTINO TO ENTER SHOWBIZ? Dalawa ang anak ni Claudine at ng asawa niyang si Raymart Santiago—sina Sabina at Santino.

Ayon kay Claudine, mukhang mas may hilig sa showbiz si Santino.

“Ang lalaki na nila! Sabina is 11 and Santino is 8. Sobrang happy sila.

“Si Santino oo, nakikita na namin ang interes, pero si Sab, hindi na muna.

“Ayoko, kasi babae. Mahirap kapag babae sa showbiz.

“Si Santino, all-around. Kumakanta, nagdadrama, marunong umiyak, marunong ding mag-comedy.

"Si Sabina naman, dancer. Yun ang gusto niya, maging dancer.

"So ako, 'Go!' Suportahan ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN