Volleyball star Mika Reyes breaks silence on alleged kissing video, breakup with Kiefer Ravena

Mika Reyes on alleged kissing video with a male swimmer: "It was really me na nandoon [sa video], pero we were just talking. And siguro, ayokong mandamay, ayokong mag-drop ng name, ayoko rin mag-drag ng name. And siguro, let’s just leave it there na lang."


Binasag na ng volleyball superstar na si Mika Reyes ang matagal niyang pananahimik tungkol sa alleged kissing video niya na naging viral noong July 2015 at diumano’y dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend, ang basketball player na si Kiefer Ravena.

Nakumpirma ang breakup nina Mika at Kiefer nang aminin ng huli sa presscon ng No Harm, No Foul ng TV5 na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend.

Read: Ateneo basketball star Kiefer Ravena admits breakup with DLSU volleyball player Mika Reyes; clears name of Jasmine Curtis-Smith

Hindi sinabi ni Kiefer ang tunay na dahilan ng split-up nila ni Mika.

Pero makalipas ang ilang linggo, kumalat ang alleged kissing video ng volleyball player at ng isang male swimmer.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa launching niya bilang isa sa mga ambassador ng PLDT HOME Ultera; kasama ang mga kapwa-volleyball superstars na sina Rachel Daquiz, Ara Galang, at John Vic de Guzman.

Dito niya sinagot ang isyu tungkol sa kissing video.

Pahayag ni Mika, "It was really me na nandoon [sa video], pero we were just talking.

"And siguro, ayokong mandamay, ayokong mag-drop ng name, ayoko rin mag-drag ng name.

"And siguro, let’s just leave it there na lang."

Mula nang maghiwalay sina Mika at Kiefer, umingay ang balitang may special relationship ang basketball player kay Alyssa Valdez, ang volleyball player na ambassador din ng PLDT HOME Ultera.

Pahayag ni Mika tungkol dito, "I’m not sure if they’re together. Labas na ako diyan.

"I’m happy for them.

"I think suportahan na lang natin sila. Panoorin natin yung show nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN