Karla Estrada on Alden Richards's success: “Right timing.”

Karla Estrada on the possibility of AlDub being pitted against KathNiel: “Bongga 'yang mga ganyan, type naming mag-ina 'yan! Bigyan din natin ng chance, di ba?”


Noong 2011 at nasa GMA Network pa si Karla Estrada ay gumanap siyang ina ni Alden Richards sa afternoon soap na Alakdana.

Ang Alakdana ang kauna-unahang project ni Alden bilang isang artista.

Pagkalipas ng apat na taon, umalagwa na nang husto ang career ni Alden, lalo na ngayon dahil sa phenomenal AlDub tandem nila ni Maine Mendoza (na mas kilala bilang Yaya Dub) sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.

Masayang-masaya raw si Karla para sa anak-anakan niyang si Alden.

Pahayag ng actress-singer, “Happy ako dahil nakitaan ko na siya ng potensiyal, e.

“Sinabihan ko siya na, 'Pagpatuloy mo lang, matuto kang makisama and darating yung time mo.'”

May ikinuwento pa si Karla na isang insidente noong nagte-taping sila ni Alden ng Alakdana.

Sa pagbabalik-tanaw ni Karla ay magdya-judge noon si Alden sa isang pageant sa Laguna.

“E, di ba, may pagka-pakialamera ako?

“Parang kailangan na niyang umuwi sa Laguna, tapos parang hindi pa siya pinapayagan sa set dahil meron pa siyang eksena.

“Nakialam ako, so pinaalis ko siya.

"Kinausap ko pa yung mga hura-hurado dun sa Laguna, ‘Parating na siya, hintayin niyo siya, huwag niyo naman siyang ngaragin!’

“Tanungin mo siya, maaalala niya yun!” natatawang kuwento ni Karla.

Sa tingin ba niya ay long overdue na ang kasikatan ni Alden?

“Medyo. Natagalan, oo natagalan, pero wala namang makakatalo dun sa right timing na ganun.

"Pag right timing, e, di right timing, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa taping ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong Biyernes, August 28.

Regular cast member na si Karla sa nasabing sitcom na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.



ALDUB VS. KATHNIEL? Hindi naman kaila sa lahat na si Karla ay ina ni Daniel Padilla, isa sa pinakasikat na young stars ngayon kasama ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Karla na itinatapat ang AlDub loveteam sa KathNiel tandem nina Kathryn at Daniel?

“Ang cute lang!” tawa ni Karla.

“Magkaiba kasi ng kung papa'no... medyo comedy kasi yung dalawa [AlDub], okay?

"So 'eto naman [KathNiel sa Pangako sa ‘Yo], soap.

“I don’t care. Mas masayang mas maraming ganun, e!

“Nakaka-boring naman yung wala ka man lang ka-chururut, di ba?

“Bongga 'yang mga ganyan, type naming mag-ina 'yan!

“Bigyan din natin ng chance, di ba?

“E, kung kaya ko silang buhayin, e, di hindi ko sila pasusulputin... I mean, di ba?” tawa na naman niya.

Never daw ikinainis ni Karla kapag may itinatapat sa kasikatan ni Daniel.

“Not for anything, hindi para ipagdamot ko yun.

“Mas gusto ko 'yan, marami tayo, masaya!”

Paano kung may makakaisip na pagsamahin sa isang pelikula ang AlDub at KathNiel?

“Oh, my God, isa ako sa producer, punyeta! Ako magpu-produce!” bulalas ni Karla.

Welcome na welcome daw kay Karla kung may katapat ngayon ang KathNiel.

“Di ba? Para ka namang hunyango nun na gusto mo sa iyo lang,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN