Rhap Salazar lip-syncs on TV and he loved it

Ano ang masasabi ni Rhap Salazar matapos niyang mag-lip sync sa It’s Showtime noong Biyernes? “I just lip-synched on TV and I loved it.”


Nag-lip-sync ang singer na si Rhap Salazar nang mag-perform siya sa It’s Showtime, kasama si Anne Curtis, noong Biyernes, August 28.

Matatandaang noong July 5 nang mag-tweet si Rhap ng kanyang pagkadismaya sa mga artistang nagli-lip-sync sa TV kapag nagpe-perform.

Tweet ng singer: “I hate seeing artists lip-syncing on TV.”

Naging kontrobersiyal ang pahayag na ito ni Rhap; at nag-react din pati ang mga kilalang pangalan sa industriya kagaya nina Vice Ganda, Gary Valenciano, at Lea Salonga.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV



IT’S SHOWTIME PERFORMANCE. Sa nasabing lip-sync performance nina Rhap at Anne sa ABS-CBN noontime show nitong Biyernes, ni-lip-sync ni Anne ang rendition ni Rhap ng “All By Myself” nang mag-guest ito sa The Ellen DeGeneres Show; samantalang ni-lip-sync naman ni Rhap ang “Alone” rendition ni Anne.

Kasunod nito, ni-lip-sync ng dalawa ang “And I Am Telling You” nina Jessica Sanchez at Jennifer Holliday noong American Idol finals noong 2012.

Tungkol sa nasabing performance, nag-tweet si Rhap na hindi pala madali ang mag-lip-sync.

Nakakapagod pala mag lipsync 😂

— Rhap Salazar (@rhapsalazar) August 29, 2015

Ayon pa sa kanyang tweet, nagustuhan daw niya ito.

I just lip-synched on TV and I loved it. Thank you for this fun experience @annecurtissmith 💋 pic.twitter.com/Zl4oZsIDFL

— Rhap Salazar (@rhapsalazar) August 29, 2015

Sinabi rin ng singer na sa huli, ang importante ay nakapagpasaya siya.

At the end of the day, ang importante ay masaya tayo kasi nakapagpasaya tayo. Goodvibes all the way. #ShowtimeCOC :)

— Rhap Salazar (@rhapsalazar) August 29, 2015


A&A GUESTING. August 21, nang mag-guest si Rhap sa Aquino and Abunda Tonight at nagsalita tungkol sa kanyang controversial tweet.

Sinabi niyang wala siyang sama ng loob sa mga artistang nagli-lip-sync.

“It is about the act lang na lip-syncing, not really about the artist.

"And hindi po siya super personal po, yung act lang na lip-syncing, yung lip-syncing lang yung ayaw ko."

Sinabi rin noon ni Rhap na wala siyang pinapatamaang artists tungkol sa lip-syncing noon.

Ipinaliwanag pa ni Rhap kung bakit ayaw niya ng nagli-lip-sync.

“Siguro po andun lang po yung frustration ko, kasi I’m doing my best every single day for the past years in the business as a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naglalabas po ako ng effort sa pagkanta para i-share yung talent ko sa ibang tao, tapos bigla akong may makikitang artist na effortless lang sila nagpe-perform, lip-syncing their song.”

Hindi raw pinagsisisihan ni Rhap ang nasabing tweet, pero nirerespeto niya ang opinyon ng mga tao, kung hindi man sila sumang-ayon sa kanya.

Gayunpaman, sinabi niyang natuto siya sa nangyari tungkol sa mga salitang kanyang ginagamit.

Aniya, sa mga kabataan ngayon, casual nila gamitin ang salitang “hate” at hindi niya naisip ang bigat ng nasabing salita sa Tagalog.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN