Liza Soberano explains why she temporarily deactivated her Twitter account

Liza Soberano on warring fan groups: "Sana yung mga tao, matuto na sila na magkaroon ng peace sa mga in-between the fandoms. And for me, hindi ba sila nagsasawa? Like, in real life, lahat kami, lahat kaming teen stars, lahat kaming artista, wala naman pong away. So, like, bakit kailangan yung fans nag-aaway, why can't they just be happy for the success of others?"


Ipinaliwanag ng Kapamilya young actress na si Liza Soberano ang pansamantalang pagkawala ng kanyang Twitter account.

“Well, you guys know na I’ve experienced bashing and everything.

"So, ako naman, I know how it feels, and yung mga ibang tao, ayaw ko nang ma-experience din nila.

“Because I know how low it can make you feel.

"So, as much as possible, I like to promote peace.

“Tapos siguro, one time, I saw on my fan site, siguro di rin nila maiwasan na ma-overwhelm or like masaktan.

"Kasi ako yung bina-bash, so pumapatol sila.

“I tweeted kasi before I deactivated [my Twitter account].

"I just wanted to let them [the fans] know na sa akin, hindi okay na nangba-bash kayo ng ibang tao.

“Kung ako yung bina-bash, hayaan niyo lang, kasi I can take it, I'm used to it na.

“But there are other new stars, there are other people being bashed and ayaw kong nanggaling sa fan group ko.

“Ayaw ko na yung mga tao na magsasabing, ‘Ay, yung LizQuen [Liza Soberano-Enrique Gil] fans, nakakatakot mga fans nila, nangba-bash!’

"Ayaw kong maging ganoon sila, so sinabihan ko sila.

"And siguro yung ilan na-hurt sila, dahil akala nila kinakampihan ko yung ibang fan groups.

“My tweets were in general."

Pagpapatuloy pa ni Liza, "Sana yung mga tao, matuto na sila na magkaroon ng peace sa mga in-between the fandoms.

“And for me, hindi ba sila nagsasawa?

"Like, in real life, lahat kami, lahat kaming teen stars, lahat kaming artista, wala naman pong away.

"So, like, bakit kailangan yung fans nag-aaway, why can't they just be happy for the success of others?

“So, pinagsabihan ko sila, and some got hurt and some unfollowed me, some fans.

“So, ako, na-hurt ako, like, I felt that I was trying to send out a message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako, as a celebrity, I'm an influencer and I want to influence them to do the right thing.

“So, na-hurt ako, kasi I was trying to do the right thing and parang mali pa rin.

"So, gusto ko muna magpahinga sa Twitter para hindi ko na lang nakikita."

Nakausap ng PEP.ph (Phiippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Liza sa launching niya bilang celebrity endorser ng Nails Dot Glow, noong August 29, sa Sequoia Hotel, sa Mother Ignacia, Quezon City.



APOLOGY. Inamin ni Liza na na-stress siya dahil dito.

“Yeah, na-stress po!” medyo natawang sabi ng 17-year-old actress.

“So, I returned naman [to Twitter].

"Kinausap ko po yung mga ilang supporters ko para sabihin na I’m sorry kung na-hurt sila.

"But, para sa akin, it’s not a reason na dahil bina-bash ako, it's not a reason for them to bash other people."

Sinabi rin ni Liza na kahit ganoon ang karanasan niya, gusto pa rin niyang gamitin ang Twitter para sa kanyang fans.

“I like to update kasi my fans. I like to make them feel more connected to me.

"So, from time to time, I tweet my fans."

Sinagot din ni Liza ang isyung nag-combine forces daw ang LizQuen at ang JaDine (James Reid-Nadine Lustre) fans laban sa Kath­Niel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) fans.

Sabi niya, “Hindi ko po alam yung against KathNiel.

"Pero alam ko, JaDine and LizQuen fans are friends.

"Which is, ako, natuwa ako. Kasi, at least, there are two fandoms na okay sa isa’t isa.

“And I wish na lahat ng fandoms, ganoon na lang sana.

"Kasi, ang dami-dami nang gulo sa mundo, bakit dadagdag pa yung fans, right?”

Kung may fans ka na parang inaaway yung KathNiel, pagsasabihan ba ni Liza na dapat ay hindi ganoon?

Tugon niya, “Yes, ayaw ko talaga na yung mga supporters ko... I want them just to be nice to everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siguro, once na nakikita ng ibang fan group na hindi nangba-bash yung supporters ko, then they’ll stop, gagayahin nila.

“Kasi, kaya nang-aaway lang naman ang mga supporters, kasi once you say something against their idols.

"And if you just stop talking about them, they’re going to stop din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN