Billy Crawford promises God that Coleen Garcia is his last relationship: "I can’t imagine myself without her."

Billy Crawford on being sure about his feelings for girlfriend Coleen Garcia: “Hindi mo na kailangang magduda. Hindi mo na kailangang palihis-lihis pa, yung kung ano pang kailangan sa relationship.”


Makikita sa Instagram posts ng magkasintahang Billy Crawford, 33, at Coleen Garcia, 22, na malalim na ang tinatahak ng kanilang relasyon.

Kinumpirma naman ito ni Billy sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, August 28.

Sabi ng It's Showtime host, “I can’t imagine myself without her.”

Nakikita rin ba niya ang sarili na ikakasal kay Coleen?

“Yes,” agad na tugon ni Billy.

Sa lalong madaling panahon ba ito? Sa susunod na taon?

“No, no... I don’t know. That depends.

"Kasi she has to grow as an artist. She has to do many things for herself.

“Ayoko naman maging selfish na, ‘Tara, pakasal na lang tayo.’

“I want everything to be right. Tamang time.

"Everything is falling into place naman, e."

LAST RELATIONSHIP. Nangako na ba sina Billy at Coleen sa isa’t isa na walang iwanan?

Ani Billy, “Ako, nag-promise na ako sa Panginoon, this will be my last [relationship].”

Kailan pa natiyak ni Billy ang nararamdaman niya?

“Matagal-tagal na. It’s just that...

"I guess, when you know when someone is the one, she’s the one.

“Hindi mo na kailangang magduda.

"Hindi mo na kailangang palihis-lihis pa, yung kung ano pang kailangan sa relationship."

Alam ba ni Coleen ang promise ni Billy sa Diyos tungkol sa kanya?

“Alam niya… alam niya,” tugon ng singer-TV host.



ADJUSTMENTS. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago ni Billy sa pagha-handle ng relasyon.

Aminado siyang seloso siya, pero nag-adjust daw siya para suportahan si Coleen sa kanyang career.

“Seloso pa rin naman ako, pero hindi yung parang hindi na tama yung pagkaseloso.

“Sino ba naman ang hindi nagseselos sa isang relationship?

"Kung hindi ka nagseselos, baka you just might not care enough."

Paano siya binago ng relasyon kay Coleen?

Aniya, “She’s just an angel to me.

"She changed everything about me, made me a better person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think better, I mature better, quicker… mas mature nga 'yan kaysa sa akin, e."

DARING SCENES. Maraming gustong makaalam kung ano ang reaksiyon ni Billy sa daring scenes ni Coleen at ng kapareha nitong si Derek Ramsay sa pelikulang Ex With Benefits.

Saad ni Billy, “No emotions.

"Wala [akong] emosyon na inilalabas. Gusto ko lang malaman yung eksakto, kung anong nangyari, etc.

“At least, alam ko. Hindi ako mag-i-expect ng, alam mo yun, na sobrang mababa, tapos yun pala ang mangyayari na, 'Okay.' Para iwas-away.

"Saka pag nag-uusap kami, mas sincere.”

Ayon kay Billy, detalyado na ibinahagi sa kanya ni Coleen ang mga ginawa nila ni Derek sa pelikula.

“Hindi naman porno yung ginawa nila. Kung maka-react naman yung mga tao.

“It’s made with class. It’s made with taste.

"I trust Derek and I trust Gino [Santos, direktor ng pelikula]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN