Angelica Panganiban posts “stolen happiness” with boyfriend John Lloyd Cruz on Instagram

Angelica Panganiban takes a break from taping the teleserye Pangako Sa 'Yo, and goes on a beach trip with boyfriend John Lloyd Cruz during the recent long weekend.


Suportado ni John Lloyd Cruz ang bagong kinahihiligan ng nobyang si Angelica Panganiban na magbahagi ng "stolen happiness" photos sa Instagram.

Nitong nagdaang long weekend, ibinahagi ni Angelica ang ilang Instagram posts na kuha mula sa kanyang maiksing beach vacation kasama si John Lloyd.

Kabilang na rito ang couple photo nilang may caption mula kay John Lloyd na nagsasabing “Stolen Happiness – Idan.”

Stolen Happiness - Idan

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onAug 30, 2015 at 7:44pm PDT

Idan ang palayaw ni John Lloyd, na madalas gamitin ng kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Hindi malinaw kung candid photo o hindi ang naturang larawan nila ni John Lloyd.

Ngunit minsan nang nabanggit ni Angelica na nais niyang "makiuso" sa Instagram users na mahilig mag-post ng larawan na "...tumatawa kunwari tapos nakunan ng camera. Kunwari stolen happiness."

CONTROVERSIAL "STOLEN HAPPINESS" PHOTOS. Noong nakaraang linggo, lumikha ng kontrobersiya ang sunud-sunod na “stolen happiness” Instagram posts ni Angelica.

Ito ay sa kadahilanang may ilang Instagram followers si Angelica na binigyan ng kulay ang nakasaad sa kanyang caption, na hindi siya tulad ng ibang Instagram users na mahilig mag-post ng “stolen happiness” o candid photo, gayong sila rin mismo ang may hawak ng camera phone.

Ayon sa ibang Instagram followers ni Angelica, tila “pinaparinggan” ng aktres ang kapwa-Kapamilya star na si Bea Alonzo.

Tiyempo kasing naunang mag-post si Bea ng isang no-look selfie na may caption na “F.U.N. [sun emoticons] #btravels.”

Ngunit agad na nilinaw ni Angelica na wala siyang intensiyon na patamaan si Bea, lalo pa’t hindi niya nakikita ang Instagram posts nito.

Upang matigil ang isyu, ni-repost ni Angelica ang isang larawan ni Bea, na may kalakip na caption na nagsasabing kaibigan ang turing nila sa isa’t isa.

Read: Angelica Panganiban lashes out at bashers for pitting her against Bea Alonzo

Ah! Eto pala yung picture! Pasensya na sa mga fans ni bei. Sa mga malalawak ang isip, pasensya na. At salamat. Sa mga makikipot, sana wag kayong mga praning. Malala na kayo. Sa mga nagsasabing gusto ko magpasikat kaya ko siya "pinaparinggan" wala akong planong sumikat. Ni minsan d ko pinangarap na sumikat. Ang gusto ko lang mag trabaho. Ayoko ng sikat, ayoko ng hinahabol habol. Gets? Sa pagkaka alam ko, kaibigan ko si bea. Yun ang tingin ko sa kanya. Anyway. Napaka baduy na nitong pag papaliwanag na to nang dahil lang sa gusto ko lang mag post ng kakulitan ko. If you guys can't get my sense of humor, then stop following me. Malayong malayo ho si bea sa akin. Siya ang reyna ng abscbn. Chuwariwap lang ako. Okay na po ba? Malinaw na? Para lang to sa mga makikitid ang utak uulitin ko. At uulitin ko, wala akong pakelam sa image ko o sa tingin nyo sakin. Pag may d ako gustong tao, sasabihin ko. Ikkwento ko pa kung bakit. Pero pag may kaibigan akong, pinaglalaruan niyo kami at parang sinisira nyo kami. Mag sasalita ako. Salamat.

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onAug 25, 2015 at 7:15am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN