Regine Velasquez reveals reason for not joining Sunday PinaSaya

“Nahiya naman ako kasi siyempre trabaho 'yon,” says Regine Velasquez for not accepting Sunday PinaSaya, which replaced Sunday All Stars.


“I was feeling kinda bad naman na ako lang yung may trabaho, yung iba kong kasama...”

Ito ang naging pahayag ni Regine Velasquez kung bakit tinanggihan niyang maging bahagi ng Sunday PinaSaya.

Matatandaang bago umere ang bagong comedy-variety noontime show na ito ng GMA Network, napabalitang makakasama ni Regine sina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas.

Subalit hindi ito natuloy dahil kung sakali, ayon kay Regine, siya lamang ang matitirang may trabaho mula sa mainstays ng Sunday All Stars, ang programang pinalitan ng Sunday PinaSaya.

“Naintindihan naman nila Mr. [Antonio] Tuviera.

“But I was actually very excited at first, kasi makakasama ko sina YanYan, si Ai-Ai.

“I was supposed to take care of the musical part.

“But medyo nahihiya lang din ako sa mga naging kasama ko.

“Kumbaga, naging show ko rin naman 'yon [Sunday All Stars].

"Nahihiya lang ako and they understand naman," paliwanag ng Asia's Songbird.

Ang Sunday PinaSaya ay co-produced ng GMA Network at ng APT ni Mr. Antonio Tuviera.

Ang tanging naiwan sa Sunday PinSaya mula sa Sunday All Stars ay sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Barbie Forteza.

Gayunman, hindi naman daw nagsisisi si Regine sa hindi niya pagtanggap sa Sunday PinaSaya.

Pag-uulit pa niya, “Pero talagang it's hard to be in that situation na...

"Kasi, since the beginning, yun ang timeslot, di ba?

“So, nahiya naman ako. Nahiya naman ako kasi siyempre trabaho 'yon.

“Mahirap to be in that situation knowing that the other colleagues are not working, so parang nahiya lang din naman ako.”

Bago ang Sunday All Stars, naging bahagi rin si Regine ng nakaraang Sunday variety shows ng GMA—ang SOP at Party Pilipinas.

Para sa fans na nakaka-miss sa kanyang mag-perform, ito ang sabi ni Regine, “Meron naman akong gagawin na parang variety show pa rin.

“Hindi ko lang alam kung aabot 'yan this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's also a musical pero nighttime."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Regine sa press conference para sa hosts at judges ng bagong season ng StarStruck, Lunes ng gabi, August 31.



NO MORE TELESERYE? Simula nang dumating ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate, kapansin-pansing hindi na tumanggap ng proyekto sa pag-arte si Regine.

Ayaw na ba niyang gumawa ng drama series?

“Parang di ko na rin kaya kasi masaya ako,” pabirong sagot ng bagong StarStruck judge.

Pagkatapos ay seryoso niyang sinabi, “Hindi naman, kasi ang niche ko ay nasa comedy-drama or comedy-musical.

“Nandun talaga ako, so yung mga nanonood sa akin, gusto nila na nakikita akong ganun.

“Although nagda-drama naman, lagi namang mayroon konti.

“Pero at the end of the day, laging ang main concept ay comedy, doon din ako comfortable.”

Bukod pa rito, aminado ang Asia's Songbird na mas naging priority niya ang kanyang pamilya.

“It should be that way... Nag-asawa pa ako kung career pa rin ang [priority] ko?

“Siyempre, nandun pa rin naman 'yon, pina-prioritize ko pa rin naman ang trabaho.

“Pero hindi na ako kasing-adik noong araw, na lahat na lang ng raket, e, sunggab nang sunggab.

“Parang ayaw ko nang gawin 'yon, kasi siyempre, yung anak ko rin, lumalaki.

“Hindi ko na maibabalik ang age na 'to. Hindi ko na maibabalik ang time na 'to.”

Diin pa niya sa huli, “I'm enjoying my time being a mom.

"I'm enjoying my time with my husband and my son."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN