Netizens suspect Pauleen Luna is already wearing an engagement ring

Engagement ring na ba ang suot ni Pauleen Luna kahapon, September 1, sa Eat Bulaga? Ito ang malaking katanungan para sa mga manonood at netizens na nakapansin sa suot-suot na singsing ng actress-TV host. Ngunit nang subukan ng PEP na kunan ng pahayag tungkol dito sa Pauleen ay hindi siya sumasagot.


Marami ang nakapansin sa singsing na suot ni Pauleen Luna sa Eat Bulaga! kahapon, September 1.

Kaagad na mapapansin ang singsing dahil sa laki ng bato ito.

Sa pagkakaalam namin, hindi mahilig magsuot ng singsing ang actress-TV host.

Sa huling post ni Pauleen sa Instagram kahapon—na kuha sa Perpetual Adoration Chapel at may caption na “Thank Lord for all the blessings!”—ay pawang tungkol sa engagement ring ang tinatanong ng kanyang followers.

Tahimik pa rin si Pauleen at wala siyang sinasagot.

THANK YOU LORD FOR ALL THE BLESSINGS!

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onAug 31, 2015 at 7:13pm PDT

Kahapon naman ay nag-post ang acting coach at dating aktres na si Beverly Vergel, na close kay Pauleen, ng litrato ng isang singsing na malaki ang bato.

Parang solitaire ito at obviously ay engagement ring ito.

Nasa caption ng post na iyon ni Beverly: “CONGRATULATIONS!!! I am sooo happy for you!!! It’s meant to be. This love will last a lifetime.”

CONGRATULATIONS!!!! I am sooo happy for you!!! It's meant to be. This love will last a lifetime. 😊💝

A photo posted by Beverly Vergel (@beverlyvergel) onAug 31, 2015 at 10:35am PDT

Tinext at tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen kahapon upang tanungin tungkol sa suot niyang singsing, pero hindi siya sumasagot.

Sinubukan din naming kulitin ang ina ni Pauleen na si Chat Luna, ngunit ayaw naman niyang magbigay ng pahayag.

Mas mabuting si Pauleen na lang daw ang tanungin.

Dati ay sumasagot pa si Pauleen kapag tinatanong sa mga plano nila ng kasintahang si Vic Sotto, ngunit ngayon kapansin-pansing ay tikom ang kanyang bibig.

Nakakaduda tuloy na baka mayroon nang nakaplano pero ayaw muna nilang magsalita sa ngayon.

Sinasabi naman noon ni Vic na kung sakaling may plano na sila ay hindi nila ito itatago, pero mas gusto nila ng simple at tahimik lang na seremonya.

Pati nga ang napabalitang bahay na ipinapatayo raw sa isang village sa Laguna ay ayaw na ring magkomento ni Pauleen.

Kapag si Vic naman ang tinatanong tungkol dito ay pawang pabiro lang ang sagot niya.

Ngayong araw, September 2, ay aalis patungong Amerika si Pauleen kasama ang kanyang ina dahil may dadaluhan daw silang kasal ng isang malapit na kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN