Bing Pimentel on son Sid Lucero's failed relationships: "He always falls for a... wrong girl?"

Bing Pimentel describes son Sid Lucero: "The problem with him, masyadong mabait yang anak ko in the sense na madali siyang ma-involve sa relationship. And then he tries hard to work it out even if from the beginning, malabo."


Ipinagmamalaki ni Bing Pimentel ang pagiging isang responsable at mapagmahal na ama ng kanyang anak na si Sid Lucero sa two-year-old daughter nitong si Halo Eve.

Sabi ng character actress, “The daughter kasi is also very fond of him at sa akin. Nasa bahay nga ang apo ko.”

Bukod sa anak ni Sid, may dalawa pang apo si Bing sa isa pa niyang anak na si Maxine Eigenmann.

Sina Sid at Maxine ay anak ni Bing sa yumaong aktor na si Mark Gil.

Binibisita raw si Bing ng mga apo niya tuwing weekend.

Ayon pa sa kanya, maayos naman ang samahan ni Sid at ng ex-girlfriend nitong si Bea Lao, na ina ng anak ng aktor.

“The difference between Sid and other dads, hindi naman kasi nila sinusuportahan yung mga anak nila.

"Eto, talagang hundred percent, support sila. Kasama pa ako doon.

“Baby [Halo Eve] ko yun, e. When she was born, she stayed with me for one week."

Para kay Bing, kailangang maging okey sina Sid at Bea.

“Because in the beginning, she didn’t know how to take care of a child.

"Nag-Motherhood 101 siya sa akin.

“One week siya sa bahay ko... I’m not kidding. I didn’t know na talagang wala siyang alam.

"Kasi, she didn’t want to have a child.

“But now, she’s so motherly na. It works well for her.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bing matapos ang presscon proper ng historical film na Heneral Luna last week.

SID'S LOVELIFE. Pagkatapos ng relasyon ni Sid kay Bea ay naging girlfriend naman nito ang aktres na si Alessandra de Rossi, pero hindi rin ito nagtagal.

Ano sa palagay ni Bing ang dahil kung bakit hindi nagkakaroon ng successful lovelife si Sid?

Pahayag niya, “The problem with him, masyadong mabait 'yang anak ko in the sense na madali siyang ma-involve sa relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, he tries hard to work it out even if from the beginning, malabo.

“When he tells me he met somebody, and then he’d describe her to me, alam ko nang hindi puwede [ang relationship].

“Like, for instance, the mother of his child. When they first met, she already said she didn’t want to have children.

“I said, ‘Hindi 'yan para sa iyo.’

"Kasi si Sid, para siyang Pied Piper, e. Yung mga bata sumusunod sa kanya.

"So, sabi ko, 'You may not be aware of it now, but in the end, in the future, hahanapin mong magkaroon ng sariling anak.'"

So, alam din ni Bing na hindi magtatagal ang relasyon nina Sid at Alessandra, sa umpisa pa lang?

“Yes,” mabilis na sagot ni Bing.

Bakit?

Tugon ni Bing, “Personality.

"Kasi si Sid, baby pa 'yan, e.

"Hanggang ngayon, baby pa rin siya. Gusto niya, inaasikaso siya.

"Although he gets attracted to women na detached, yun ang lagi niyang nakikitang attractive.

“Kasi, yung previous girlfriends niya were clingy.

"So, kapag may nakikita siyang babae na detached, free-spirited, doon siya naa-attract."

SHORT-LIVED ROMANCE. Kilala si Alessandra na independent at free-spirited. Ito kaya ang nakapagpa-attract kay Sid sa aktres?

Sagot ni Bing, “In the beginning, maybe.... I don’t know.

"Kasi I didn’t really get to know her that well.

“Because it [the relationship] was so short.

"But I like her, I really like her.

"Because it was so short we really didn’t have the chance to get to know each other better."

Hindi naman daw nagkukuwento nang buo si Sid tungkol sa kanyang mga nakakarelasyon.

Ayon kay Bing, “He only talks to me when he likes somebody.

"Pag break na, he doesn’t talk to me."

Sa palagay niya, darating kaya ang panahong makakahanap ng babae si Sid na mamahalin niya hanggang sa pagtanda?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Bing, “Hindi ko alam.

"Kasi he’s thirty-two and he always falls for a... wrong girl?

“I would yes, yes...

"Kasi hindi future ang iniisip niya. Yung fun ngayon, e.

“Hindi pa yung long-term, hindi yung marrying.

"That is why, sabi ko, 'Hindi nga puwede kasi you're getting old.'"

Naniniwala si Bing na wala pang bagong karelasyon ngayon si Sid.

“The last time we spoke, sabi niya, 'Mom, wala na akong chance to get married.'

“Sabi ko, ‘Why?’

"Sinagot ako na, ‘Because I’m always thinking of my daughter. Even when I am with somebody and getting to know somebody, ang naiisip ko, my daughter Halo. So, right away, may kahati na. So, it’s not fair.’

"Siguro ngayon, kasi nga, they [Sid and Halo] don’t live together. He only visits, e."



ON DAUGHTER MAXINE. Pagdating kay Maxine, inamin ni Bing na nahihirapan siya sa mga desisyon ng anak na babae.

“Matanda na siya, e, twenty-eight na siya this month.

"Hindi naman ako tumitigil na pagsabihan siya, kasi bakit ko naman titigilan?

"I think, for the rest of our lives, habang buhay nanay pa rin tayo."

Ayon kay Bing, walang problema si Maxine sa suporta ng mga ama ng dalawa niyang anak.

Kinumpirma ni Bing na madali talagang ma-in love si Maxine, lalo’t may bago na naman itong boyfriend ngayon.

Paano kaya kung magkaroon pa ng pangatlong anak si Maxene sa bago nitong boyfriend?

“Ay, ewan ko sa kanya! That’s her choice.

"I’ll just be behind her and all my kids.

"But, of course, my dream for them is to be independent," sabi ni Bing.

Diretsahan ding sinabi ni Bing na hindi siya pabor sa ginawang pagpu-frontal nudity ni Maxene sa indie film na Dagitab, kung saan meron pa itong love scene kay Nonie Buencamino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nga pinanood, e. She told me naman.

"In fact, this movie [Bukod Kang Pinagpala] that we are doing as mother and daughter, I get possessed.

"I’m the one who’s going to have that scene.

“Sabi ko sa director, parang baliktad, parang kay Max itong role na ito. But he’s willing to adjust.

"I already told the director through Facebook kagabi, ‘I don’t know how you’re going to do or tackle it.’

“I said, ‘[The manner with which] you’ll tackle it is what I’m worried about.’

"But he said he’s willing to adjust.

“Hindi talaga ako [maghuhubad].

"Hindi rin okey sa akin kung si Max ang maghuhubad, but she’s an adult and I can’t stop her.

“Like all other actors, she has no qualms about nudity.

"Nakakagulat nga. They could easily talk about it.

"I think it has to do with being comfortable with your body.

"Ako hind!" natatawang sabi ni Bing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN