Tom Rodriguez admits being a huge AlDub fan: "It seems so organic, so natural, and tagos sa puso ng lahat ng nanonood."

Marimar star Tom Rodriguez describes her onscreen partner Megan Young as a very game and down-to-earth artist.


“Puwede ba ako mag-confess? Bago masira yung hard drive ko, meron din akong ginawang Lola Nidora na photoshop picture.”

Ito ang pag-amin ng self-confessed AlDub fan na si Tom Rodriguez.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom para sa ini-endorse niyang hamburger chain, noong September 1, sa Burger King, Silver City, Pasig City, hindi niya naiwasang magkuwento tungkol sa kanyang pagkahumaling sa phenomenal AlDub loveteam at sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Kung hindi raw sana nasira ang kanyang hard drive ay nailabas na ni Tom ang ginawa niyang artworks ni Lola Nidora.

“My hard drive failed on me so I am gonna start a new one.

"Pero gumawa ako ng mga photoshop photos ni Lola Nidora, e."

Ano ba ang pinaka nagustuhan niya sa tambalang AlDub?

Sagot ng Marimar leading man, “I like the spontaneity of it.

"I like that it wasn’t initially planned, it is something that is organically nabuo na lang.

“Ngayon, tinatanong ko si Alden [Richards], 'Bro, paano niyo ginagawa yun? May script ba kayo?'

“Ang sagot lang ni Alden, ‘Wala, bulungan lang.’

"So, biruin mo, bulungan lang every day, they do it, and it seems so organic.

"So, natural and tagos sa puso ng lahat ng nanonood, e."

Dagdag pa ni Tom, “I love the interactivity of it.

“Kunwari yung mga photoshop posts, kasi it makes the viewers like me, a part of this phenomenon.

"Parang, ‘Yes, kasali din ako!’

“Sila din, everyone who joins in it, sila din nararamdaman nila na they contribute in a way to such an awesome phenomenon that is happening.”

Naikuwento rin ni Tom na talagang inaabangan niya tuwing tanghali ang KalyeSerye at naging parte na ito ng kanyang routine kahit may trabaho siya.

Gaano nga ba siya ka-updated dito?

“I try to [be updated] kasi gusto ko, pag nanood ako, nakaka-good vibes talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, when I am eating, like lunch, when I don’t have work.

"Kaya pag natsatsambahan ko or pag may work, tapos saktong may TV, ang sarap na nanonood ka ng Eat Bulaga.

“Kung meron ka man ma-miss, malalaman at malalaman mo din kasi ikukuwento rin ng lahat.”



TOM AS SERGIO. Sa kasalukuyan ay abala si Tom sa kanyang bagong primetime series sa GMA Network, ang Marimar.

Ayon sa Kapuso actor, marami siyang natututunan at nararanasang kakaiba at maganda sa teleserye nila ni Megan Young.

Kaya naman hindi niya maiwasang mapangiti at magpasalamat sa magandang blessing na ito.

“Laki ng ngiti ko palagi sa tuwing nagte-taping ako.

“Sinasabi ko nga kay Ate Carol, sa EP [executive producer] ko na grabe ‘tong trabaho ko, nae-expercience ko lahat. Kung anu-ano na lang.

“Kagabi lang, galing akong Morong, Bataan, naka-experience akong mag-drive ng speedboat at jet ski.

“Biruin mo, nag-speedboat and jet ski ako for work, parang hindi ko in-expect.

“Never in a million years ko naisip na it’s something I would just get to do just like that.

“And yet, nakaka-experience ako bilang si Sergio.

"Kaya yung mga ganung klaseng activities gives me a glimpse of Sergio’s life.

“In a way, mas nagiging malapit ako sa kanya, mas nakikilala ko na siya nang mas mahigit.

“Ang sarap na kahit against sa amin yung elements minsan, kasi may bagyo, minsan nai-stuck sa location, and yet hindi mo ramdam.

"Kasi ang sarap ng mga katrabaho mo from the whole unit, the crew member, the staff, the cast... ang sarap!"

Kumusta namang katrabaho ang kanyang leading lady na si Megan Young?

Ani Tom, “I’ve worked with her before in 2011.

"And I am happy to say that with everything that she has achieved in her life, she still remains the same humble and down-to-earth person that I met back then.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bilib ako sa kanya kasi sobrang game, e.

"Kahit si Direk Dom [Zapata] and lahat ng tao namin sa set, maririnig ko, ‘Grabe ‘tong babaeng ‘to, walang arte.’

“Kahit anong ipinapagawa sa kanya, she’ll do it, walang arte.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN