Joanne Villablanca describes Derek Ramsay as a sweet boyfriend: "Konting lambing lang niya, kinikilig ako agad."

According to Joanne Villablanca, Derek Ramsay's current girlfriend, her 8-year-old daughter gets along very well with the actor. She also describes Derek as a sweet, down-to-earth boyfriend.


Ibinahagi ng non-showbiz girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca na close ang aktor sa kanyang 8-year-old daughter niya.

Bihira raw itong mangyari dahil “snob” ang kanyang anak.

Sabi ni Joanne tungkol kay Derek, “He’s really good with kids.

“E, yung anak ko, medyo kailangan niyang kunin ang loob.

“Nakukuha naman niya, nakukuha niya yung loob ng anak ko, which is rare, kasi medyo snob yung anak ko, e.

“Pero kay Derek, they get along well.”

Sa isang interview ni Derek, ibinahagi nitong kamukha ng anak ni Joanne ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Read: Derek Ramsay reveals current girlfriend's 8-year-old daughter looks like Angelica Panganiban

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media nang dumalo siya sa premiere ng bagong pelikula ni Derek, ang Ex With Benefits, kagabi, September 1, sa SM Megamall.

FIRST SHOWBIZ EVENT. Ang premiere night ng Ex With Benefits ang unang pagkakataong um-attend si Joanne ng isang showbiz event para suportahan ang boyfriend na aktor.

Inamin niyang nag-a-adjust pa rin siya sa atensiyong nakukuha matapos maging open ni Derek sa kanilang relasyon.

Sabi ni Joanne, “Hindi lang ako sanay sa interviews, like now, this is the first time na ang dami.

“Usually pa-isa-isa lang, so medyo nahihiya pa ako sa mga ganito.”

Wala rin daw siyang planong pasukin ang showbiz.

“No, no, no... I don’t want to get into showbiz.

“Nag-guest ako before sa show niya, yung Extreme, but that’s not acting.

“Yung mga acting-acting, di ko ata kaya yun, nahihiya ako.”

Ang Extreme Series: Kaya Mo Ba To ay ang dating reality show na hinu-host ni Derek sa Kapatid network.



SWEET BOYFRIEND. Nang tanungin si Joanne kung paano niya ilalarawan si Derek bilang boyfriend, puro magagandang salita ang nasabi niya tungkol sa aktor.

“He’s a very down-to-earth guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang bait niya, walang kayabang-yabang sa katawan.

"Sobrang bait niya talaga, wala akong masabi.

“Parang you’ll never feel na isa siyang big star. Tapos sobrang lambing niya.”

Pero ang pinaka espesyal na katangian daw ni Derek bilang boyfriend ay ang pagiging sweet nito.

Sabi ng commercial model, “Sweet siya, he really makes me happy.

“Konting lambing lang niya, kinikilig ako agad, effortless kumbaga.”

May plano na ba silang magpakasal?

“No!” natatawa niyang sagot.

LOVE SCENES. Sa Ex With Benefits, na nagbukas sa mga sinehan ngayong araw, September 2, maraming love scenes si Derek sa kapareha nitong si Coleen Garcia.

Kilala rin ang hunky actor sa adult-themed movies niyang No Other Woman at A Secret Affair.

Ayon kay Joanne, hindi siya nagseselos o naiilang kapag napapanood si Derek na nakikipag-love scene.

“Hindi, kasi nakilala ko siya ganun, e.

“Even before I actually met him, alam ko lang si Derek… I’ve seen his movies at alam kong ganun ang mga roles niya—laging may love scenes.

“Wala, hindi siya issue sa akin, never siya naging issue.”

Hindi na rin daw kinakailangang magpaalam ni Derek sa kanya bago gawin ang love scenes sa pelikula.

“Actually, hindi na siya nagpaalam.

“I know na it’s part of his job, so okay lang sa akin, kasi trabaho niya 'yan, e.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Joanne nang una niyang mapanood ang trailer ng Ex With Benefits?

Sagot niya, “Actually, the first time I saw it, sabi ko nga, kinikilig ako [while] watching it.

“Everything, how it was done, sabi ko ang ganda ng trailer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN