James Reid, Nadine Lustre hit 1M followers on Instagram; thrill fans with kilig kiss on and off cam

At a recent show in Surigao City, James Reid gets naughty and bites Nadine Lustre's neck, much to the delight of their screaming fans.


Umabot na ng one million ang Instagram followers ng On The Wings of Love stars na sina James Reid and Nadine Lustre.

Sa official Instagram account ni Nadine kagabi, September 1, nagpasalamat ang young actress sa kanyang solid fans na patuloy na sumusuporta sa pag-angat ng showbiz career niya.

"Cheers to 1M! I love you babies!" pahayag ni Nadine sa caption ng kanyang Instagram post.

Cheers to 1M! 🍸 I love you babies! Make up: @jellyeugenio Hair: @paulnebres

A photo posted by Nadine Lustre (@nadzlustre) onSep 1, 2015 at 7:21am PDT

Kasunod nito ay bumuhos ang mensahe para kay Nadine mula sa kanyang followers, na nagsasabing napatunayan ng aktres ang talento nito sa pag-arte sa kabila ng detractors niya.

Maging si James ay umabot na rin ng one million ang Instagram followers, dalawang linggo na ang nakararaan.

Nagpasalamat din si James sa mga masugid niyang tagasuporta, na dahilan kung bakit patuloy na trending topic sa social media ang kanilang tambalan ni Nadine.

Sabi ni James sa caption ng ibinahagi niyang Instagram post: "A Milli. Thank you to all one million of you! #push"

A Milli Thank you to all one million of you! #push

A photo posted by James Reid (@jaye.wolf) onAug 21, 2015 at 12:06am PDT

Todo ang kilig ng fans ni James na nag-comment sa Instagram post ng Kapamilya actor, at sinabing sana ay patuloy na maging mababa ang loob nito sa kabila ng tinatamasang kasikatan.


JADINE KILIG KISS ON AND OFFCAM. Sa kasalukuyan, usap-usapan ang ikalawang pagkakataong nasaksihan ng Kapamilya viewers ang kissing scene sa pagitan ng ginagampanang papel nina James at Nadine sa September 1 episode ng On The Wings of Love.

Ayieee! Kiss!!! 󾌬 #OTWOLFairyTale #OnTheWingsOfLove

Posted by Dreamscape Entertainment on Tuesday, September 1, 2015

Ngunit mas kinakiligan ng JaDine fans ang balita tungkol sa hindi inaasahang pagkagat ni James sa leeg ni Nadine sa isang show sa Surigao City noong Sabado, August 29.

Sa naturang mall show, bahagi ng hamon kay James ay halikan sa leeg ang kanyang On The Wings of Love leading lady.

Base sa Instagram video na ibinahagi ng isang JaDine fan na si @itsmeesabelle, ikinagulat ni Nadine na imbes na simpleng halik ay bigla siyang kinagat ni James sa leeg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikitang napa-‘Aray!’ si Nadine at natatawang hahampasin sana si James dahil sa hindi inaasang ikinilos nito.

Gayunman, mas lalo silang kinakiligan ng mga manonood na panay ang hiyawan sa loob ng Surigao Provincial Gymnasium.

@jaye.wolf kissing @nadzlustre neck

A video posted by Isabella Chua (@itsmeesabella) onAug 29, 2015 at 8:53am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN