Sam YG thinks Alden Richards and Maine Mendoza starting to develop feelings for each other

Sam YG on the power of AlDub tandem: "It’s a good break. Ang dami nating pinagdadaanan sa bansa—politics, traffic, mga rally... I mean, I think it provides a good break from all the stress that we are dealing with as a nation. Even worldwide, I think tumatawid siya because, I think, with that aspect, it’s the love factor, e."


“No script, it’s all organic.”

Ganito inilarawan ng Eat Bulaga! co-host na si Sam YG ang tambalang Alden Richards at Yaya Dub o mas kilala bilang AlDub.

Ang AlDub ang sinasabing pinakamainit na tambalan ngayon na napapanood sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Pahayag ni Sam, “The beauty about AlDub is, it’s organic.

“Pati kami kinikilig, makikita mo naman kaming mga hosts, lahat kami kinikilig.

“Nung una kasi, with Alden, at least parang pa-joke joke lang, ‘Yaya Dub.’

"E, ngayon, totoong pangalan na ginagamit."

Maine Mendoza ang tunay na pangalan ni Yaya Dub.

Dagdag ni Sam, “Pero ngayon, parang nagkaka-develop-an na yung dalawa.

“All the viewers, whether you’re a viewer, you are there, tumatawid sa camera yung emotion, e.

“You can actually see it, the way she [Maine] smiles, it’s real.

“I think that’s why it’s so powerful and it's very effective.

"Kasi nga, there’s a thin line between comedy, drama... lahat ng elements nandun, e.

“You don’t know what’s gonna happen next.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa hamburger chain na Burger King, Martes ng hapon, September 1.

WHEN TOMORROW COMES. Patuloy ni Sam tungkol sa AlDub tandem, “Even if you ask me now what’s gonna happen tomorrow, I can’t even answer that question.

“I wish I knew, pero I am kinda happy that I don’t know what’s gonna happen tomorrow, because it gives you something to look forward to.

“It gives me something parang, 'Wow! More characters, may angle pa lang ganito, ganyan.'

"And it’s a good break.

"Ang dami nating pinagdadaanan sa bansa—politics, traffic, mga rally...

"I mean, I think it provides a good break from all the stress that we are dealing with as a nation.

“Even worldwide, I think tumatawid siya because, I think, with that aspect, it’s the love factor, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagiging natural at totoo raw ang susi sa matinding success ng AlDub.

Sabi ni Sam, “Love is universal, it’s something that people can feel, if its real people feel it.

“I think that’s what AlDub brought to everybody.

"I think that’s what makes us proud as Pinoys and as human beings that we can produce something like that, something world class, organically.

“It’s not just the pride of Eat Bulaga, but the pride of the Filipinos.

“Na kaya natin maging world-class performers out of nothing.

"Dati sinasabi lang ang Pinoy magaling kumanta...

"Kahit anong ipagawa mo sa Pinoy, kayang gawin, that’s why it put the Philippines on the map," sabi pa ng naturalized Pinoy radio-TV host.

ALDUB FAN. Inamin ni Sam na lahat sila sa Eat Bulaga! ay nae-excite sa magiging takbo ng kuwento ng KalyeSerye. Kaya naman tinututukan nila ang araw-araw ang pagkikita nina Alden at Yaya Dub.

Fan din ba si Sam ng AlDub?

"Yeah, of course!" mabilis niyang sagot.

“Me and Alden, we work together every day.

"Yung segment namin, nagkakatanungan kami, ‘Ano na ba? Ano na ba ang mga galawan natin?’

“Napi-feel ko yung mga ano [hirit] niya, e.”

Inamin ni Sam na sinasadya niyang asarin ni Alden on cam para makita ng fans ang magiging reaksiyon nito.

“Kaya hinuhuli-huli ko siya sa camera, e.

"What I experience working with him, I want to share with the fans, that’s why I do that."

Bukod sa pagiging "organic" ay inilarawan din ni Sam ang tambalang AlDub bilang "phenomenal."

Saad niya, “I think it’s really phenomenal, even for me, I am so surprised.

“Yung mga loveteam, binubuo pa 'yan, e.

“Minsan, ‘O, gawa tayo ng movie, gawa tayo ng ganyan.’

"Kahit nga minsan walang chemistry, kailangan may chemistry kayo.

“The beauty of AlDub is they are so organic, it wasn’t planned, no scripts, nothing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s see what happens, and that I think what happens when you just let things be.”

Excited din ba si Sam sa pagkikita nina Alden at Yaya Dub sa "tamang panahon"?

Sagot niya, “Ako mismo, kakapit ako sa upuan ko.

"I just watch them and kinikilig na ako, all the more pag dumating na ang tamang panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN