Kean Cipriano on Chynna Ortaleza: "I love her... she's the future."

Kean Cipriano says love for art was what brought him and Chynna Ortaleza together: “It’s nice to admit to yourself that we are inspired truly by each other when it comes to everything. Kaya ko sinasabing paulit-ulit na art, kasi nangyayari lang itong lahat, wala namang pinipilit. Parang ang galing lang din na nae-express namin parehas yung art na magkasama.”


Nagsalita na ang singer-actor na si Kean Cirpiano tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Pahayag ni Kean sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We are in a good place. We’re in cloud nine.

“Pero honestly, I should be honest with you, you know, there’s really nothing to write.

“I know we live in this public arena, but parang there’s no announcement needed on this.

“What you see is what you get. It’s just plainly like that.

“I don’t want it to, like… I don’t want to announce things when it comes to my cheesy life.

"So, it’s more sacred."

Diin pa niya, “We’re in a very, very good place.

“Somehow, we’re very much inspired.”

Kailan ba sila dumating sa puntong nasa “in a very, very good place” na sila?

“Long time,” mabilis na sagot ni Kean.

“I met the girl… it’s been a long time.

“I’ve known Chynna since 2008. I’ve known her for the longest time.

“Kumbaga, kilala mo lang siya, nakasama ko siya sa isang event.

“And then, we became friends after doing Wagas, sa Channel 7.”



LOVE FOR ART. Gaya ni Chynna, “art” din ang sinasabi ni Kean na naging koneksiyon nilang dalawa.

“Art—all forms of art.

“The art of music, the art of filmmaking, the art of acting, the art of everything.

“The art of respecting each other.”

Naniniwala si Kean na magandang pundasyon sa kahit anong relasyon ang art.

“Platinum,” sambit niya.

Ano ang ibig niyang sabihin sa "platinum"?

“Crystal clear… We’re friends, yun ang main thing.

“She’s my best friend, you know.

“And you have a friend that considers you as a best friend as well.

“I mean, that’s the best feeling in the world.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INFLUENCE ON CHYNNA. Kapansin-pansin ding may sarili na ngayong banda si Chynna na nagpe-perform sa ilang gigs.

Ang impresiyon tuloy ng ilang netizens, naimpluwensiyahan ni Kean si Chynna pagdating sa music.

Pahayag ng Callalily vocalist tungkol dito, “Actually, both ways.

“It’s nice to admit to yourself that we are inspired truly by each other when it comes to everything.

“Kaya ko sinasabing paulit-ulit na art, kasi nangyayari lang itong lahat, wala namang pinipilit.

“Parang ang galing lang din na nae-express namin parehas yung art na magkasama.”

Nakikita ba niyang si Chynna na ang babae para sa kanya?

Mabilis na sagot ni Kean, “Yeah, of course, of course, I love her.

“I told you it’s not an announcement, but I’m talking about this girl that we both respect, you know.

“Yeah, she’s the future.”



PLAYBOY IMAGE. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang impresyon ng ilan sa kanya na kesyo babaero o playboy siya.

Paano niya idedepensa ang sarili sa ganitong isyu?

“Sinong maysabi, makakating labi, di naman totoo,” pagbanggit ni Kean sa ilang lyrics mula sa kanta ni Randy Santiago na “Babaero.”

Natatawang sabi pa ng singer-actor, “Si Randy Santiago na po ang may sabi, hindi ako, mga kaibigan.

“No, I mean, bullshit as it may sound, but it is what it is.

“Honestly, hindi ko nga alam kung papaano ko ie-explain.”

Masaya ba sila ngayon ni Chynna?

Tugon niya, “Oo, oo naman.

“Sinasabi ko naman, no bullshit or whatever, it’s just the fact na kaibigan mo yung taong kasama mo palagi.

“Kaibigan mo yung taong gusto mong kasama palagi, araw-araw, alam mo yun?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN