Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna: “Yes, we are.”

Vic Sotto keeps mum about details of his engagement to fiancéee Pauleen Luna: “The details, yun ang sa tamang panahon… kung anuman yung mangyayari in the future.”


“Yes, we are.”

Ito ang pagkumpirma ni Vic Sotto tungkol sa balitang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na engaged na sila ng kanyang girlfriend at Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna.

Si Vic ay 61 years old, samantalang si Pauleen ay 26 pa lamang.

Pahayag pa ng comedian-TV host tungkol sa engagement nila ni Pauleen, “Hindi ko naman puwedeng i-deny 'yon.

"But the details, yun ang sa tamang panahon… kung anuman yung mangyayari in the future."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vic sa press conference ng CitiGlobal Realty & Development, Inc., na ginanap sa Cities Events Place, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, September 2.

Sinikap ng press na kunan ng iba pang detalye si Vic tungkol sa engagement nila ni Pauleen, ngunit ayaw patinag ng comedian-TV host.

Pero ang sinabi lamang niya ay umakyat na ang level ng kanilang relasyon.

“Ibang level na, pero I will go into details sa tamang panahon,” diin niya.

May mga press na inakalang hindi aaminin ni Vic ang tungkol sa engagement nila ni Pauleen sa nasabing interview.

Pero aniya, “Hindi naman ako yung tipong magde-deny, or sabi ko naman sa inyo, kung meron kailangang aminin, inaamin.”

Ano ang nararamdaman niya ngayon?

Sagot ni Bossing Vic, “I’m good, I’m always good.

"I’m happy with the way things are turning out, with [Eat] Bulaga, with mga kasamahan ko sa trabaho.

"Everything is great.

"So, I feel great. I’m doing great."

PAULEEN'S ENGAGEMENT RING. Samantala, makalipas ang ilang oras pagkatapos kumpirmahin ni Vic ang engagement nila, nag-tweet naman si Pauleen ng ganito:

ENGAGED! ❤💍

— Pauleen Luna (@PauleenJLuna) September 2, 2015

Sa kanya namang Instagram account ay ipinakita na ni Pauleen (pauleenluna) ang kanyang engagement ring na may caption na "In God's perfect time":

In God's perfect time.

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onSep 2, 2015 at 4:03am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN