Sef Cadayona clarifies rumored romance with Andrea Torres, past relationship with Yassi Pressman

Sef Cadayona is generally happy about everything in his life right now, what about his lovelife? "Hindi pa gaano," he replies quickly.


“Friends kami.”

Ito ang nakangiting sagot ni Sef Cadayona nang tanungin kung ano ang real score sa pagitan nila ng kapwa niya Kapuso star na si Andrea Torres.

May lovelife siya?

Sagot ni Sef, “Itong si Juan Tamad na ‘to, ang laki ng panahong kinukuha niya sa akin, hindi ako makahanap ng butas.

“Wala, wala po akong lovelife.”

Ang Juan Tamad ang pinagbibidahang weekly comedy series ni Sef sa GMA Network.

Diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sef tungkol sa kanila ni Andrea. Matagal na rin kasi silang nali-link sa isa't isa.

“Yung sa amin naman po ni Andrea, hindi naman siya mawawala, kasi palagi kaming magkasama sa mga shows po.

“Siguro kapag hindi na kami nagkasama sa mga shows, unti-unti rin pong mawawala kung anuman po ang nababalita sa amin.

“Ako kasi, keber, wala naman akong itinatago po, e.”

FHM SEXIEST. Ano naman ang pakiramdam niya na No. 2 si Andrea FHM's Sexiest Women poll this year?

Ani Sef, “Siyempre nakakatuwa naman, parang thank you, thank you.

“Pero siyempre, bigyan natin ng privacy si Andrea.

“If she wants to open up or date someone, baka naman nahihirapan dahil nali-link nga sa akin.

“Kaya hindi ko na lang masyadong ine-entertain.”

Wala raw isyu kay Sef kung nagpu-pose nang sexy si Andrea sa men’s magazines.

Ngayon nga, may lalabas pa ang Summit Media na coffeetable book ni Andrea na talagang sobrang sexy at daring daw.

“Okey, okey po,” sambit ng Kapuso comedian.

Hindi pa raw nakikita ni Sef ang mga kuha ni Andrea sa coffeetable book, pero nang mag-pose ang aktres sa FHM noon ay ipinakita nito sa kanya.

Sabi pa ni Sef, “Muntik na nga siyang manalo, e.”

Bumoto siya?

“Oo naman, marami-rami rin,” sabi niya.

Umasa rin ba siyang si Andrea ang mananalo?

“Well, hindi naman masyado, pero siyempre, lahat kami sa Bubble Gang, we’re all rooting for Bubble Gang girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang lupit nga, number two siya, e.”

Ang kapwa nila Kapuso na si Jennylyn Mercado ang nanguna sa FHM Sexiest Women poll ngayong taon.

GREAT EXPERIENCE. Pero bakit tila mahirap kay Sef na pag-usapan kung sinuman ang karelasyon niya?

Paliwanag ng binata, “Mahirap po pala, kasi siyempre, maaano yung atensiyon.

“Hindi ko naman sinasabing sobrang private akong tao, pero gusto ko lang din na may privacy ako.

“Friends na pang-high school at dyowa na hindi nababalita, parang ganun.

“Medyo nahihirapan ako sa ganun.”

Ang huling napabalitang karelasyon ni Sef na si Yassi Pressman ay naging sobrang bukas naman sa publiko sa relasyon nila.

Natuto na ba si Sef mula sa pagiging bukas niya noon sa relasyon niya kaya kung may sumunod ay tahimik na siya?

“Hindi naman po lesson, pero a great experience.

"Nagkaroon nga ako ng ganung experience sa buhay ko.

“Hindi lesson learned, kasi from my point of view, negative yung dating ng lesson learned.

“I guess, the next time I open again to someone, I will keep it stable… not too open, not too closed.

“Yung sakto lang, nasa balance lang, hindi ko laging ibu-broadcast.”

Masaya naman siya ngayon?

“Masaya naman po,” nakangiting sagot ni Sef.

Love-wise, masaya rin siya?

“Hindi pa gaano,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN