Hindi naiwasan ni Rica Peralejo na ilabas ang kanyang saloobin tungkol sa aniya'y “unprofessional” nurses and staff ng isang kilalang ospital.
Sa kanyang Facebook account kahapon, September 1, nagpahayag ng pagkadismaya ang TV host-actress sa mga gustong magpa-picture sa kanya habang nasa St. Luke's Hospital, kung saan magpapa-check up siya dahil masama ang kanyang pakiramdam.
I find it absolutely unprofessional that nurses&staff in the hospital will want to take my photo ONE BY ONE despite the fact that I am here-
Posted by Carla "Rica" Peralejo-Bonifacio on Tuesday, September 1, 2015
- precisely because I am not feeling well. Hospital: st luke's BGC.
Posted by Carla "Rica" Peralejo-Bonifacio on Tuesday, September 1, 2015
Sa kanyang sumunod na post sa Instagram, nilinaw naman ni Rica na hindi sa emergency area nangyari ang insidente kundi sa ika-walong palapag ng ospital, kung saan matatagpuan ang clinic ng mga doktor.
Hindi na nagbigay ng anumang detalye si Rica, at sinabing isusulat na lamang niya ito sa kanyang blog.
Gayunman, ipinarating pa rin niya ang kanyang naranasan sa isang St. Luke's hospital representative, na humingi sa kanya ng paumanhin sa ngalan ng ospital.
“I just told St Luke's rep that they can perhaps give a memo because clinics still carry their name, having to hold theirs in their hospital. And i appreciate their sincere apology naman,” sabi ni Rica sa kanyang Instagram post kaninang hapon, September 2.
A photo posted by Rica Peralejo-Bonifacio (@ricaperalejo.ph) onSep 2, 2015 at 1:37am PDT