TJ Trinidad sends best wishes to newly-engaged couple Pauleen Luna and Vic Sotto

TJ Trinidad on former TRMD co-star Pauleen Luna's engagement to Vic Sotto: “Lahat kami, we just felt na papunta na siya sa next level. And sure enough, lumabas nga sa news, so congratulations!”


Ikinatuwa ni TJ Trinidad ang balitang engaged na sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Gumanap na mag-asawa sina TJ at Pauleen sa dating teleserye ng GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter, na pinagbidahan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.

Pahayag ni TJ tungkol sa engagement nina Pauleen at Vic, “Congratulations!

"I am very happy for her, I am very happy for them.

"We’re all very excited, actually."

Hindi man ganoon kabukas si Pauleen sa pagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife, naramdaman na raw ni TJ at iba nilang kasamahan sa The Rich Man’s Daughter na maganda ang takbo ng relasyon ng 26-year-old actress sa 61-year-old comedian.

Sabi pa ni TJ tungkol kay Pauleen, “I just wish her the best.

“Kasi siyempre, hindi rin naman siya masyado nagkukuwento about that.

“And everybody knows they are going out.

“Lahat kami, we just felt na papunta na siya sa next level.

“And sure enough, lumabas nga sa news, so congratulations!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa kanyang outreach activity bilang celebrity ambassador ng Operation Smile, isang non-profit organization na nagbibigay ng libreng facial surgery sa mga pasyenteng mayroong cleft palate.

Binisita ni TJ ang ilan sa mga batang may cleft palate na nakatakdang sumailalim sa isang operasyon sa Sta. Ana Hospital, sa Manila, ngayong Huwebes, September 3.



HAPPY FAMILY LIFE. Dito ay kinumusta rin ng PEP ang buhay-pamilya ni TJ, na apat na taon nang kasal sa kanyang maybahay na si Marga.

Mayroon silang dalawang anak na sina Alonzo, 3, at Renata, 1.

“Yeah, I love it!” maiksi ngunit nakangiting sabi ni TJ.

Kapag may libre siyang oras, mahilig daw silang mag-bonding sa beach o kaya'y mag-road trip sa Tagaytay o Baguio.

Noon pa man ay napapanatili ni TJ na malayo sa intriga ang kanyang persol na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ba ang sikreto ng masaya at matatag na samahan nila ni Marga?

Sagot ng 39-year-old Kapuso actor, “I think the secret is basically kung ayaw mong mapag-usapan, hindi ka pag-uusapan.

“I mean, sometimes, some people do it on purpose.

"They get talked about when they’re not really doing anything other than their film project or TV project.

“So, I don’t know, maybe, that’s just how I treat it.

"I make sure that I separate it from work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN