Brian Poe Llamanzares surprises Jasmine Curtis-Smith at her presscon

“I hope I'd be given an opportunity by her sister and her family to get to know her. I wanna know who she is. I don't want the showbiz side, I wanna know who she really is,” says Brian Poe Llamanzares about Jasmine Curtis Smith


“I don't want the showbiz side, I wanna know who she really is.”

Ito ang paliwanang ni Brian Poe Llamanzares sa ginawa niyang pagsorpresa kay Jasmine Curtis-Smith sa press conference ng bagong drama series na kinabibilangan ng young actress sa TV5, ang My Fair Lady, ngayong Huwebes ng tanghali, September 3.

Kasama ni Jasmine sa show sina Luis Alandy at Vin Abrenica.

Mula sa usapan tungkol sa upcoming TV series, biglang nag-iba ang focus ng entertainment reporters nang ipakilala ng host ang binatang anak ni Senator Grace Poe.

Inabutan pa ng mga bulaklak ni Brian si Jasmine.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at iba pang reporters kay Brian, matapos ang pagkikita nila nang personal ni Jasmine, sinabi nitong gusto lang niya talagang makilala ang TV5 star kaya siya naglakas-loob na pumunta sa presscon.

“I really wanted to meet Jasmine.

"I didn't get the chance when I was in college sa Ateneo, kasi medyo advance ako.

“I'm batches ahead of her so I graduated without meeting her.

“Buti na lang, a friend of mine helped to set this up, so I got to meet her.”

Dagdag pa niya, “Actually, hanggang ngayon dinadaga ang dibdib ko.

"Actually, I didn't think past giving the flowers, so when I was on stage, tapos nabigay na yung mga bulaklak, I didn't know what to say.

“I never though I'd get that close to her and be able to say that I actually wanted to meet her.”

Ngayong nakilala na niya si Jasmine, ano na ang susunod na plano ni Brian?

“Honestly, I hope I'd be given an opportunity by her sister [Anne Curtis] and her family to get to know her.

“I wanna know who she is.

"I don't want the showbiz side, I wanna know who she really is."

Nang muling tanungin kung bakit sa pagkakataong ito niya napiling ma-meet si Jasmine, sagot ni Brian, “Why not? She's single now. I'm single.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just figured that this is my only shot. It was this presscon or nothing.”

Inaasahan na raw ni Brian ang mga negatibong reaksiyon ng publiko sa kanyang ginawa, lalo na't hindi naman siya kasali sa show ni Jasmine.

Sabi niya, “They'll always have something to say naman no matter what.

“I'm sure they're gonna say all sorts of things about it.

“But I really just want to get to know her.

"Sa tingin ko naman, this is my only shot, so I took it."



JASMINE'S REACTION. Sa hiwalay na panayam, inamin ni Jasmine na totoong nasorpresa siya sa pagdating ni Brian sa presscon ng My Fair Lady.

Sa katunayan, hindi masyadong naka-react si Jasmine nang iabot ni Brian ang mga bulaklak sa kanya.

“I'm flattered, very flattered,” maiksing sabi ng dalaga tungkol sa kanyang naramdaman sa ipinakita ni Brian.

Ano naman kaya ang dapat paghandaan ni Brian kung sakaling gusto siyang pormahan nito?

Sagot ni Jasmine, “I think he already knows naman.

"It seems that he has a very level-headed mind, na he knows that family is very important.

"At least, 'yon ang una niyang sinabi."

Sa ngayon, hindi pa tuwirang masagot ni Jasmine kung handa na siyang muling pumasok sa isang romantic relationship pagkatapos ng breakup nila ni Sam Concepcion.

Aniya, “I don't really know.

"But one of my friends told me lately, 'How will you ever really know if you don't take a leap of faith?'

“So, sometimes you just kind of accept things as they come along and see where it goes.

“Kapag walang nangyari, e, di wala.

"Kapag it grows into something beautiful, obviously, it's meant to happen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN