Singer Michael Pangilinan admits he is going to be a dad at 19

IMAGE Noel Orsal

Kahit hindi pa raw talaga siya handang maging isang ama, hindi raw sumagi sa isipan ng singer na si Michael Pangilinan na ipalaglag ang ipinagbubuntis ng ex-girlfriend niya. Iniisip na lang daw niyang blessing ang paparating na supling.


Magiging ama na ang 19-year-old singer at Harana band member na si Michael Pangilinan.

Halos limang buwan na raw ang ipinagbubuntis ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend.

Hiwalay na raw sila nang malaman ni Michael na nagbunga ang kanilang naudlot na pagmamahalan.

Pahayag ng singer, “Ayoko na ng magulo pa ang pangalan niya, pero totoo po yun na nakabuntis ako.

“Hindi ko na siya inisip na tanggalin, na i-abort. Inisip ko blessing.

“Inisip ko na magiging daddy na ako.

“And excited na ako kasi ilang buwan na lang lalabas na.”

Bagamat hiwalay na sila ng ina ng kanyang magiging anak ay nananatili raw silang magkaibigan, at pananagutan niya ang bata.

Base raw sa mga naunang pagsusuri, mukhang lalaki ang magiging anak ni Michael.

Papangalanan daw nila itong Ezekiel.

Sa ngayon daw ay sinasagot ng singer ang mga gastos sa check-up at kung ano pa ang kakailanganin ng mag-ina.

Excited na rin daw siyang bumili ng crib para sa magiging anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Michael sa presscon ng Your Face Sounds Familiar Season 2, ngayong Huwebes, September 3, sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, sa Quezon City.

“TULOY PA RIN…” Wala naman daw magiging pagbabago sa takbo ng karera ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” singer ngayong magiging ama na siya.

Katatapos lang daw niyang gawin ang pelikulang hango sa sikat niyang awitin na naging entry sa 2014 Himig Handog P-Pop Love Songs at idinirek ng composer ng kanta na si Joven Tan.

Kasama niya rito si Edgar Allan Guzman na gaganap bilang kaibigan niyang magkakagusto sa kanya.

Bukod dito ay may ginagawa siyang musical play, ang Kanser@35: The Musical, na ongoing pa rin sa AFP Theater.

Sa ngayon, masusubukan naman ang talento ng Kapamilya singer sa pag-i-impersonate.

Isa siya sa walong contestants sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar na magsisimulang umere sa September 12, sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN