Joey de Leon tells AlDub fans to ignore bashers: "Forgive them for they do not know what to do anymore."

Ito ang isang mensahe ni Joey de Leon sa AlDub fans kaugnay ng pambabatikos na natatanggap ngayon ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza: "Hindi nyo ba napansin, wala munang Problem Solving? E kasi napunta muna sa iba! Ang LAKI ng PROBLEMA nila!"


Muli na namang napatunayan na totoo ang kasabihang "Kapag ang puno ay hitik sa bunga, pilit na binabato."

Kasabay ng patuloy na pagsikat ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza ay ang pagsulpot ng kaliwa't kanang batikos o intriga mula sa bashers.

Maliban sa pakikipagtalo ng ibang fandoms sa social media, may mga lumabas na rin diumanong 'photo scandal' si Alden at may isang radio/TV personality na hayagang binatikos ang popularidad ngayon ng AlDub.

Sa isyung ito ay nananatiling tahimik sina Alden at Maine, at hindi na lang pinapansin ang mga batikos at intrigang ipinupukol sa kanila.

Samantala, ang kasamahan nila sa Eat Bulaga! at isa ring AlDub fan na si Joey de Leon ay nagbigay ng ilang paalala sa mga tagahanga ng sikat na loveteam.

Sa pamamagitan ng Twitter (@AngPoetNyo), sinabihan ng veteran comedian-TV host niya ang mga itong huwag na lang pansinin ang mga naninira sa AlDub at manatiling mapagkumbaba.

Patutsada pa niya sa bashers: "Forgive them for they do not know what to do anymore."

AlDub Fans: Wag nang pansinin umaaway sa inyo't naninira sa AlDub. Forgive them for they do not know what to do anymore.#ALDUB7thWEEKSARY

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 3, 2015

Dagdag pa niya:

Naninira o hindi ay pareho lang fans. TAGAHANGA. May humaHANGA at may kaya ginagawang manira dahil may TAGA.#ALDUB7thWEEKSARY #EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 3, 2015

Ayan na, "If you can't beat them, USE them!" Nangyayari na. Just be cool friends. Rejoice but be humble.#ALDUB7thWEEKSARY #EatBulaga

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 3, 2015

Tandaan, walang kakapit sa binti mo kung ikaw ay pababa. Basta MAGPAKUMBABA kayo. Bayaan silang walang "MAGPAKUM". Gets?#ALDUB7thWEEKSARY

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 3, 2015

Sinabi rin ni Joey na hayaan na lang ng AlDub fans na mamroblema ang iba:

Hindi nyo ba napansin, wala munang Problem Solving? E kasi napunta muna sa iba! Ang LAKI ng PROBLEMA nila! O, sa Sabado ha!#ALDUBWishIMaine

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 3, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN