Derrick Monasterio confident about his first Cosmo Bachelor Bash appearance

Derrick Monasterio wants to take on the path of former sexy actor Jay Manalo: “Kasi, di ba, siya po yung icon nung mga panahon nun?”


Pagwu-workout, basketball, at diet ang sikreto ng magandang pangangatawan ngayon ng Kapuso young actor na si Derrick Monasterio.

Isa si Derrick sa rarampa sa Cosmo Bachelor Bash, na pinamagatang Cosmo Carnival, na gaganapin sa MOA Arena ngayong Sabado, September 5.

Ayon sa 20-year-old actor, hindi naman siya magpapakita ng 'lahat-lahat.'

“Hindi naman kailangang ipakita ang lahat para maging hot.

"Minsan kahit nakasando ka lang, puwede ka nang maging hot, sexy."

Ninenerbiyos ba si Derrick sa gagawin niyang pagrampa?

Sagot niya, “Hindi po, mas excited.

“Ninenerbiyos ako kasi baka hindi dumating ang mga fans ko. Naks!

“So, sana dumating sila, ang layo kasi nila, e. Yung iba nasa Ilocos pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick kahapon, September 3, sa Roku Japanese restaurant, sa Trinoma Mall, Quezon City.

RAMPA PA MORE. Dahil ito ang unang beses na rarampa si Derrick sa Cosmo Bachelor Bash, hindi ba dapat ay may 'pasabog' siyang gawin?

Tiyak na may payanig ang ibang artista sa pagrampa, tulad ng kapwa niya Kapuso hunk na si Elmo Magalona.

Kaya bang gawin ni Derrick ang ginawa ni Tom Rodriguez sa Bench underwear fashion show last year, kung saan ibinaba nito ang suot ba briefs?

“Bata pa ako para dun, e!” bulalas ni Derrick.

“Siguro hindi naman ganun ka-intense.

"Next time na yun pag medyo ano na, veteran na ako sa Cosmo."

Kaya ba niyang gawin ang ginawa ni Alden Richards sa Cosmo Bachelor Bash noong 2013, kung saan pinahiran ng langis ang buong katawan nito at medyo ibinaba rin ang suot na underwear?

“Kaya ko po,” sagot ni Derrick.

Balak din daw niyang sumayaw ng mala-Magic Mike sa Cosmo Carnival.

“Pinag-aralan ko po yung sayaw, e.”

Kanino siya medyo nati-threaten o nai-insecure sa iba pang mga rarampa sa Sabado?

Sagot ni Derrick, “Wala!

"Sa totoo lang po kasi, nakita ko yung sampu na ano [centerfold models sa pictures, sabi ko, ‘A, okay!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Derrick at Elmo, kabilang sa sampung centerfold models sina JC de Vera at Daniel Matsunaga.

“Tapos yung dalawa pa athlete, tapos yung apat, models,” aniya.

Hindi raw siya nagyayabang, pero confident si Derrick sa naging bunga ng pagpapaganda niya ng katawan.

Masaya rin ang binata na isa siya sa mga napiling rumampa.

“Kasi hindi ko naman talaga ini-expect, e.

"Sa totoo lang, nagdyi-gym po ako para sa pansarili, personal issues ko, hindi ko talaga siya para sa ekonomiya!" tawa niya.

Dagdag pa ni Derrick, “Ayun, nagulat lang ako kasi nagbunga.”



FRIENDSHIP WITH ELMO. May pressure ba dahil sila ni Elmo ang magdadala ng bandera ng GMA at ng GMA Artist Center sa Cosmo Bachelor Bash ngayong taon?

Tugon ni Derrick, “Well, actually, kami yung pinaka-fresh, e, kasi kaming dalawa yung pinakabata.

"So, malamang maitayo namin yung bandera ng GMA."

Wala raw silang napag-usapan ni Elmo kung ano ang gagawin nila sa Cosmo Carnival.

“Ang alam ko lang, niyaya ako minsan ni Mo na mag-gym, e, para sabay lang.”

Sa tingin ba ni Derrick ay mas mambubulaga siya kaysa kay Elmo?

“Actually, ready na po ako, e. May tiwala talaga ako sa sarili ko.”



NEXT JAY MANALO? Paghahanda na rin ba ito sa sexier roles ni Derrick sa TV at pelikula?

“Puwede din po,” sambit niya.

Ang mga role daw noon ng dating sexy actor na si Jay Manalo ang gusto ni Derrick.

“Kasi, di ba, siya po yung icon nung mga panahon nun?”

Handa na ba siyang tawaging 'male sexy star'?

“Hindi na po uso yun ngayon, e, di ba?

"Gusto ko na mala-Jay Manalo na Tom Rodriguez, ganun."

Samantala, tinatapos na ni Derrick ang kanyang album na pinamagatang Kailangan Kita sa ilalim ng GMA Records.

Siya rin ang boses ni Steve sa Tagalized version ng Voltes V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN