Comedienne Kakai Bautista on ‘Dental Diva’ title: “Huwag na tayo umarte... embrace na natin.”

Ipinagkibit-balikat na lamang ng komedyanang si Kakai Bautista ang bagong titulo niyang ‘Dental Diva.’ Sabi niya, "Kasi once na hindi mo i-embrace yung mga ganyang bagay, e, ito na ako, anong gagawin mo, di ba?”


Kung para sa ilan ay hindi magandang pakinggan ang titulong "Dental Diva," wala raw itong problema para sa singer-comedienne na si Kakai Bautista.

Sabi nito sabay turo sa kanyang mukha, “Okay lang, wala naman magagawa, e.

"Marami rin nag-react sa mga friends, ‘Bakit naman Dental Diva?’

“'Huwag na tayo umarte, andiyan na siya, i-embrace na natin.'

"Kasi once na hindi mo i-embrace yung mga ganyang bagay, e, ito na ako anong gagawin mo, di ba?

“Laitin ka man, purihin ka, ‘yan na yun, di na natin matatanggal ‘yan.”

Noong inilabas daw ang teaser para sa mga contestant ng second season ng Your Face Sounds Familiar (YFSF) kasama ang kanilang mga titulo, may mga nag-react na daw agad.

Na-bash na rin daw siya dahil dito.

Pero para sa komedyana, “Oo, may mga bashers na, e.

“’Kayo dito, kayo mag-show dito, tingnan lang natin.'

"Hindi ka naman nagyayabang, pero walang karapatan na magsalita yung mga tao nang ganun.

"Kasi grabe yung hirap ng mga tao sa mga show, di ba?

“Stop, dyusko, kaya kung may mga nam-bash, e, ‘Kayo mag-show, kayo gumawa, tingnan natin kung magawa niyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai sa presscon para sa contestants ng Your Face Sounds Familiar Season 2, Huwebes ng hapon, September 3.

Ginanap ang presscon sa 13th floor ng ELJ building ng ABS-CBN sa Quezon City.

Bukod kay Kakai, kasama rin sa bagong season ng YFSF sina Sam Concepcion, Kean Cipriano, Myrtle Sarrosa, Michael Pangilinan, Erik Nicolas, Denise Laurel, at KZ Tandingan.

Dagdag pa ng 37-year-old actress-singer, kahit nasa kumpetisyon daw sila, naging usapan daw nila na uunahin ang pagpapasaya sa tao.

Kuwento niya, “Yun ang usapan namin, e, hindi tayo dito magku-compete.

"Magku-compete tayo, iba-iba tayo, pero ang goal natin is to entertain the public and to give them the artistry nung icon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panindigan namin yung icon kahit anong mangyari panindigan namin.

“Kasi yun naman yung goal nung show, to make people happy.

"Icebreaker, kasi nga totoo, ang lungkot na ng Pilipinas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN