Derrick Monasterio clarifies 'naughty video' with Alden Richards

Derrick Monasterio advises young male stars who post naughty videos: "Siguro maging mindful lang sa mga pino-post nila at saka maglagay naman ng restrictions. Huwag unahin ang emosyon 'tsaka responsibility lang talaga.”


Nilinaw ni Derrick Monasterio ang konteksto ng kumakalat na lumang video nila ni Alden Richards ngayon.

Ipinakita nitong tila ay hinihipuan niya ang tinaguriang Pambansang Bae.

Sabi ni Derrick, “Phone po niya yun.

"Nasa bulsa niya po yung phone niya 'tapos kinukuha ko po, nag-aasaran kami.

“Luma na yun.”

Speaking of videos, ano ang masasabi ni Derrick sa mga kumakalat na nude selfies at videos ng mga kabataan?

Ano ang naiisip niya sa tuwing may isyu tungkol sa pagkalat ng mga ito?

“Ang pumasok sa utak ko parang, sayang sila. Hindi sila nag-iisip.

"Kasi sobrang dapat maging...Ano 'yan, e. 'Yan ang pinakamalaking part ng media, ng social media, mabilis kumalat.

“'Tsaka yun nga, sayang kasi very irresponsible ng ginawa kung sinuman ang may gawa.

“Pero in the first place, hindi naman mag-aano kung hindi rin naman sila [yung nag-video o nag-selfie] ang nag-umpisa, di ba?

"So mali, mali talaga.”

Wala raw nude selfie si Derrick.

“Wala, never, never.”

Bilang ambassador ng National Youth Commission, ano ang maipapayo ni Derrick sa mga kabataang tulad niya?

“Siguro maging ano lang sila, maging mindful lang sa mga pino-post nila at saka maglagay naman ng restrictions.

“Ano lang, huwag unahin ang emosyon 'tsaka responsibility lang talaga.”

Hindi raw siya mahilig mag-post kahit ng shirtless photos niya sa Instagram.

“Kasi wala ka ng mapapakita kapag pinakita mo na lahat.”

Irereserba raw niya iyon sa Cosmo Carnival, na gaganapin mamayang gabi, September 5, sa SM Mall Of Asia Concert Grounds, Mall Of Asia Complex, Pasay City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN