Marjorie Barretto defends daughter Julia against Dennis Padilla's accusations

Marjorie Barretto on daughter Julia: “Kung meron man taong puwedeng sabihin na masama ang ugali niya, kung merong may karapatan, ako lang yun. Kung merong isang tao na puwedeng magsabi na nagbago na siya dahil sumikat, ako lang yun. Ako ang nakasama niya mula noon hanggang ngayon. And she is a good daughter. So, that is the farthest from what the people say she is.”


Ipinagtataka ni Marjorie Barretto kung bakit patuloy pa rin ang pagsasalita ng dati niyang asawa na si Dennis Padilla tungkol sa inihaing petisyon ng anak nilang si Julia Barretto na palitan ang apelyido nito

Mula sa Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis, ay hinihiling ng young actress na gawin itong Barretto.

Pahayag ni Marjorie, “You know, about the case kasi…

“I don’t know why Dennis is comfortable talking about it, may gag order kasing talaga.

“There was a gag order, so I cannot really talk about it.

“At saka mas maganda if Julia addresses the question herself.

“Ayoko namang ma-accuse na nakikialam or nang-iimpluwensiya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marjorie sa presscon ng My Fair Lady ng TV5, sa Manila Peninsula, nitong Huwebes, September 3.

Ang My Fair Lady ay ang Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovela. Bida rito sina Jasmine Curtis-Smith, Vin Abrenica, at Luis Alandy.

Ito rin ang magsisilbing comeback vehicle ni Marjorie bilang isang aktres.



PERSONAL MATTER. Sa opinyon ni Marjorie, mas maganda kung pabayaan na lang sina Dennis at Julia na ayusin ang isyung ito, at huwag munang makialam ang media.

“I wish, kasi this is very personal.

“I wish na hindi siya masyadong ma-cover or mahaluan ng… para peaceful ang maging resolution.

“Kasi, whatever... katulad niyan, kahit na anong maganap, dapat hindi na pag-usapan, kasi there’s a gag order.

“But if we leave them alone or Dennis, baka maayos nilang mas maganda kung hindi nai-involve ang media.

“Not only media, but yung social media rin.”

Patuloy ng nagbabalik na aktres, “Actually, maraming naging abogado at judge all of a sudden.

"Hindi naman nila naiintindihan what’s the real case is all about, basta lang they pass their judgment.

“Hindi nila alam ang totoong istorya talaga.

“Kami lang naman ang nakakaalam ng totoong kuwento, kami talaga— pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s hard to discuss that in public, it’s very sensitive.”

Nagkataon lang daw na nang i-file ni Julia ang kaso ay minor pa ito. Pero ngayon ay nasa legal age na ang anak.

“When Dennis discussed it in public, yung judge, nag-issue ng gag order because she felt she [Julia] needed to be protected.

“Mahirap din naman for my daughter… mahirap naman kalabanin yung ama, di ba?

“So, she’s not free to talk about it.

“Kahit anong sabihin niya, mami-misinterpret at iba-iba ang magiging opinyon ng tao.

“So, she chose to keep quiet about it.”



FATHER-DAUGHTER RELATIONSHIP. Pagdating naman sa relasyon ni Julia sa ama nito, hinahayaan daw ni Marjorie ang dalawa.

Sabi ni Marjorie, “Well, nagkita naman sila noong debut.

“Julia personally invited him naman. Hindi naman ako nakialam nun.

“Whatever feelings I have with Dennis, sinet aside ko yun.

“Siyempre, that’s the evening of my daughter, and that was her wish, di ba?

“Hinayaan ko naman siya and, I think, it was a good idea naman because she felt very light. Yung araw na yun, masaya siya.

“At saka, isa pa yung wish niya na nandun si Claudine [Barretto, Marjorie’s sister].

“It was her evening, so I gave it to her.”

Ang pakiusap lang daw ni Marjorie kay Dennis, kung ano ang sinasabi nito sa kanilang anak, ganun din daw sana ang sinasabi nito kapag may kausap na taga-media.

“He says something else in public.

“Iba siya sa personal, iba yung sinasabi niya sa inyong lahat.

“Ako, nasasaktan ako para sa mga anak ko.

“Kung sana ipinapakita na lang niya yung totoong ginagawa niya talaga sa mga bata, yung totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, maa-appreciate ko, e.

“Pero ibang-iba.

“Ibang-iba ang sinasabi niya sa press, ibang-iba ang sinasabi niya sa mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THEIR CHILDREN. Kumusta ba ang relasyon ni Dennis sa mga anak nila?

Saad ni Marjorie, “My children… maybe they should speak for themselves na lang.

“Pero yun lang, I would want to appeal to him na kung anuman yung personal, leave it na lang to the family or huwag na niyang ipa-cover.

“Or sana maalala niya may gag order, hindi niya dapat mine-mention ang mga dates ng hearing.

“Sana maayos ang relasyon nilang mag-aama na hindi nasasali ang publiko.”

Gaano kasakit sa kanya ang mga nangyayari?

Sagot ni Marjorie, “Very painful because I know the truth and the whole truth.

“And there’s a different side—the truth and what he tells with everybody.

“Hindi ko mapatulan kasi naaawa ako sa mga bata.”

Nilinaw naman ni Marjorie na ang anumang personal na problema nila ni Dennis ay labas kung anumang nararamdaman niya ngayon.

Sabi ni Marjorie, “Ang sama ng loob ko, hindi na para sa akin.

“Super wala na talaga siya, we’ve been separated for nine years.

“Ang lahat ng hinanakit ko ngayon, sa mga bata.

“Kasi siyempre, my children are in the position na hindi naman sila puwedeng lumaban. They cannot fight back.

“So, napapasama na lang sila, kasi hindi nila ine-air ang side nila.

“Why put my children in that position?

“I just wish na, sana, he [Dennis] would just support our daughter, give her words of encouragement, like, ‘O, anak, I’m so proud of you.’

“O isipin niya na ang anak ko, hindi na natutulog kakatrabaho. Trying to build a name and a future for herself.

“So, any words of destruction from him is very painful for her.

“Nagtatrabaho ako, I’m trying to save for my future, and you’ll hear all these things.

“Tapos, hindi naman niya puwedeng i-defend ang sarili niya.

“Kasi, sa kultura nga natin, kahit anong sabihin niya, kapag anak, hindi tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, don’t put her on that position.

“Mutual respect also is important between parents and children.”



DEFENDING JULIA. Gaya nga ng sinabi ni Marjorie, binabatikos ng marami si Julia dahil sa petisyong inihain niya na palitan ang kanyang apelyido.

Sinasabing dahil sa ginawa niya ay hindi siya mabuting anak.

Ayon naman kay Marjorie, “I wish people withhold their judgment first.

“Kasi, there’s a deeper story. I don’t have plans of divulging it.

“Alam niyo, ang katotohanan, lumalabas naman ‘yan.”

Sa mga nag-aakusang masamang anak si Julia, bilang isang ina, si Marjorie ang makakapagpatunay na wala itong katotohanan.

“Alam niyo, mula noong araw na ipinanganak ko si Julia, hanggang ngayon, she has lived with me, ako ang nagpalaki sa kanya.

“Kung meron man taong puwedeng sabihin na masama ang ugali niya, kung merong may karapatan, ako lang yun.

“Kung merong isang tao na puwedeng magsabi na nagbago na siya dahil sumikat, ako lang yun.

“Ako ang nakasama niya mula noon hanggang ngayon.

"And she is a good daughter.

“So, that is the farthest from what the people say she is.”

Bagamat nasasaktan siya bilang isang ina sa mga pambabatikos na natatanggap ni Julia, nagiging daan naman daw ito para maging matatag sila.

“Lahat, lahat… but, you know, we get stronger.

“And it’s not the first time Dennis attacked our children.

“I think, it’s the fourth na or third… so it’s less painful in time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN