Marjorie Barretto on reconciliation with sister Gretchen: "Maybe I pray for it once in a while, pero hindi ko na siya masyadong wini-wish."

Marjorie Barretto on sister Claudine's movie comeback: “I’m genuinely happy for Claudine. Her spirit is very high at talaga namang what a waste kung hindi siya magbalik sa industriya.”


Ayon kay Marjorie Barretto, nanumbalik na ang magandang pagtitinginan nila ng bunsong kapatid niyang si Claudine Barretto.

Nagsimula ito nang dumalo si Claudine sa debut party ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto noong Marso.

Saad ni Marjorie, “Oh, yeah, everything’s okay with me and Claudine, and my children and Claudine. Everything’s okay.”

Kung si Marjorie ay nagbabalik sa pag-arte sa pamamagitan ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Fair Lady sa TV5, si Claudine naman ay nagbabalik sa big screen sa pamamagitan ng pelikulang Etiquette For Mistresses ng Star Cinema.

Pahayag ni Marjorie tungkol dito, “Oo, ‘no, nagkataon?

“And I’m genuinely happy for Claudine.

“Her spirit is very high at talaga namang what a waste kung hindi siya magbalik sa industriya.”

Masaya rin daw si Claudine nang malaman nitong ginagawa ni Marjorie ang My Fair Lady, na magsisimulang mapanood sa September 14.

Ayon pa kay Marjorie, “She’s very supportive.

“At kapag alam niyang may taping ako, she always texts me. ‘Do well today, ganyan...’

“At yung taping chair ko na nagiging bed, siya yung nagregalo.

“One time, sabi niya, ‘Open the door…’ I was in my room.

“Sabi niya, buksan ko raw ang pintuan.

“Sabi ko, ‘Why?’

“Sabi niya, ‘Basta buksan mo lang.’

“Pagbukas ko, nandun na ang taping chair ko.

“Siyempre, ang tagal kong walang work, so wala akong gamit na pang-taping talaga.

“Pagbukas ko ng door, nandun na ang taping chair na gustung-gusto ko.

“Tapos sabi niya, ‘Para you’ll remember me every time you work.’”

BARRETTO SISTERS. Inamin ni Marjorie na sa umpisa ay hindi talaga nawala ang ilangan sa pagitan nila ni Claudine.

Lalo pa nga’t matagal silang nagkaroon ng tampuhan sa pamilya.

“Oo naman, ipokrito naman ako kung sasabihin kong walang ilangan.

"Siyempre, for a few days, di ba, hindi mo alam kung paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala naman na after a while, that’s nothing.

“And my kids are very happy to be reunited with her.”

Ang nangyari nga lang, kung dati ay si Marjorie at ang kanyang ate na si Gretchen Barretto ang magkasundo, ngayon naman ay sila na ni Claudine ang magkasundo at may alitan naman sila ni Gretchen.

Gusto rin ba ni Marjorie na magkasundo na silang magkakapatid?

Tugon niya, “You know, I cannot… everything kasi has timing. There’s a time for everything.

“Sometimes you don’t force things. Kailangan nasa sa loob mo na, you’re healed or whatever.

“Maybe I pray for it once in a while, pero hindi ko na siya masyadong wini-wish.

“Kasi, it will fall into place.

“Alam ko na sa dami ng pinagdaanan ko, everything will fall into place.

“So, hintayin ko na lang.”

Nagkakausap pa rin ba sila ni Gretchen?

“No, I haven’t seen her, I haven’t communicated.

“I don’t want to talk about her so much, I hope you understand,” pag-iwas ni Marjorie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN