Brian Poe Llamanzares defends mom Senator Grace Poe against detractors

Brian Llamanzares says he constantly reminds mom Senator Grace Poe, "Kahit mahirap ngayon, isipin mo na lang na whatever decision you make, you're responsible for the country after 2016.”


“There's only so much you can take even if you're a strong person.”

Ito ang sinabi ni Brian Poe Llamanzares nang matanong tungkol sa pagiging emosyunal ni Senator Grace Poe habang nagde-deliver ng inspirational speech sa isang event kamakailan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang binatang anak ng senador sa press conference ng My Fair Lady noong Huwebes, September 3.

Dito ay sinabi ni Brian na natural lamang na maluha ang kanyang ina habang ibinabahagi ang kanyang karanasan bilang isang adopted child. Patuloy kasi ang batikos sa kanya ng mga kalaban sa pulitika dahil dito.

“Well, my mom is a strong person talaga.

“Pero kasi, tuluy-tuloy ang isyu na 'yan, ayaw magbitaw ng mga kalaban niya.

“I just think na, for my mom, there's only so much you can take.

"Even if you're a strong person, when it's something close or personal as an issue like that...” paliwanag niya.

READ Senator Grace Poe gets emotional as she relates story of her adoption; pays homage to her parents

INC RALLY STATEMENT. Bukod dito, naging laman din ng balita ang kanyang ina dahil sa naging pahayag nito tungkol sa naganap na rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA noong nakaraang long weekend, August 28- to 31.

Dismayado ang karamihan sa publiko sa sinabi ng senadora na, “Huwag nating mamaliitin ang importansiya ng relihiyon.

"Para sa akin, ang mga tao na 'yan, ang dinedepensahan nila ay ang kanilang paniniwala.

“Nirerespeto natin 'yan at kailangan ay pangalagaan din ang kanilang mga karapatan.”

Sa tingin ng iba, naging maingat si Senator Poe sa kanyang pahayag, lalo pa't kilala ang Iglesia ni Cristo sa pagsunod sa bloc voting.

Ano ang masasabi ni Brian tungkol dito?

Aniya, “Well ganun naman talaga, hindi maiiwasan na may mga haters, may mga bashers, may mga black propaganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat tanggap na niya ito at ng kanyang ina, may pakiusap si Brian sa mga naninira kay Senator Poe.

“I was saying earlier sa previous interviews ko.

"That's what we're worried about talaga for my sisters who are still in college and grade school.

“I just hope that people who are commenting negatively realized that my mom is a mom, who has a family.

“The things that they post online are also read by my sisters.”

Tinanong ng PEP si Brian kung nakaapekto ang negatibong reaksiyon sa nakaraang pahayag ng kanyang ina sa magiging desisyon nito sa 2016 presidential election.

Sagot niya, “You see, kaya nga sinabi ng nanay ko na talagang nag-iisip pa siya.

“Ngayon pa lang, wala pa siyang announcement, tinitira na siya, may black propaganda na.

“Talagang my mom is still thinking about it.”

Pero habang pinag-iisipan raw ng kanyang ina, sabi ni Brian, “I keep reminding her na kahit mahirap ngayon, isipin mo na lang.

"Whatever decision you make, you're responsible for the country after 2016.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN