Ayen Munji-Laurel maintains closeness with both Marian Rivera and Heart Evangelista

Ayen Munji-Laurel on Marian Rivera and Heart Evangelista: "Nakikita ko yung difference nilang lahat. Alam ko yung ugali nito, kung gaano kaiba si Marian kay Heart. Kasi ang dami mong naririnig sa both camps, e. Siyempre ikaw, alam mo, kasi nakasama mo sila pareho. So, parang alam mo yung observation mo doon sa isa, alam mo rin yung sa isa."


Inamin ni Ayen Munji-Laurel na aware siya sa pinagdaanang kontrobersiya at isyu sa pagitan ng dalawang aktres na parehong close sa kanya—sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Nakatrabaho kasi ni Ayen ang dalawa sa mga teleserye ng GMA Network.

Naging co-star ni Ayen si Marian sa Amaya at Temptation of Wife, habang kasalukuyan naman niyang kasama si Heart sa Beautiful Strangers.

“Of course, aware ako doon. Alam ko iyong isyung iyon,” sabi ng Kapuso actress.

Pero hindi raw pumanig sa kahit kaninong side si Ayen. Gusto raw kasi niyang pangalagaan ang closeness niya sa bawat isa.

Saad ng aktres, “Maybe because I tend to look at the good side of everybody.

“Kasi I’ve worked with a lot of the bidas in GMA, usually ako yung mom, di ba?

“So, nakikita ko yung difference nilang lahat. Alam ko yung ugali nito, kung gaano kaiba si Marian kay Heart.

“Kasi ang dami mong naririnig sa both camps, e. Siyempre ikaw, alam mo, kasi nakasama mo sila pareho.

“So, parang alam mo yung observation mo doon sa isa, alam mo rin yung sa isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ayen sa intimate interview sa ilang miyembro ng press noong Setyembre 3, sa Victorino’s restaurant, sa Quezon City.

Ngayong magkatrabaho sila ni Heart, napag-usapan ba nila ang isyung ito?

Ayon kay Ayen, “Alam mo, hindi, kasi kaibigan ko rin si Marian, e.

“May pinagsamahan din kami ni Marian kasi nakasama ko iyan sa Amaya, nakasama ko iyan sa Temptation of Wife.

“So, mayroon din kaming pinagsamahan kahit papaano.

"At saka mabait sa akin yung tao, e."

Ano na lang ang naging reaksiyon niya sa isyu?

“You know, when I heard about it, parang, okay…

“Kasi ang layo ng age gap namin ni Marian, e.

“I’m 43 already, so she looks at me like an ate, same as Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung tingin nila sa akin, way, way older than they are.

“So, when I hear stories that are kinda touchy and sensitive para sa part nila, hindi ako nagpapakita ng, ‘Tama ka, tama ka.’

“Kung dalawang kampo yung nagkukuwento sa akin, I’m the type na I’ll think about it.

“Hindi naman perfect ang lahat, so I’ll just give them the benefit of the doubt.

“Ako kasi, naniniwala na darating din yung time sa buhay nila na you’ll just forgive and move on with your life.

"Because kung dala-dala mo iyan hanggang pagtanda mo, nakakapangit, di ba?

“Lalo na si Marian, manganganak pa, di ba?

“So, ako, I tend to laugh it off na lang.

“Actually, ang tagal na nung isyu nila, so I think naka-move on na sila.”



ON MARIAN. May communication pa ba sila ni Marian?

Sagot ni Ayen, “Yes. Actually, the other day lang yung last, because magkakaroon siya ng baby shower.

“So, I’m invited to her baby shower.”

Si Marian ba ay humihingi ng advice about motherhood?

“Yeah, especially noong magkasama kami sa Temptation of Wife, she expressed to me na gusto na niyang magkaanak talaga.

“Kasi she was nearing 30 na then.

“And I was telling her, oo nga, kasi high-risk [pregnancy] na yung ganung age.

“Mas maganda yung mas bata ka, may anak ka. You grow with your kid.”

Ano ang nagustuhan niyang ugali ni Marian?

“I guess, si Yanyan kasi, malambing iyan.

“Alam mong mataray siya, iyon siya, e. It’s out there and she admits it.

“In fairness to her, she’s really malambing.

“Maano iyan… ‘Hi, ate,’ alam mo iyong mambabati, ganyan.

“Pati sa asawa ko, pag nakikita niya sa labas si Franco [Laurel], binabati niya.”



ON HEART. Si Heart naman, anong ugali ang nagustuhan niya rito?

Sabi ni Ayen, “Si Heart naman, malambing in a different way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya kagaya ni Yanyan na parang little sister mo.

“I think si Heart is more on… parang minsan, feeling ko magkaedad kami, kasi we talk about sensible things, as well.”

Open din ba si Heart na pag-usapan ang tungkol sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero?

“Yeah, and she talks about it to anyone naman sa set.”

Nagsasalita rin ba si Heart tungkol sa pulitika, na mundo ng asawa nito, lalo na sa posibleng pagsabak nito sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections?

Saad ni Ayen, “Nakakatawa nga, e, kasi the way she talks about it, parang, ‘Ewan ko nga doon. Ang gulo, no?’ Parang ganun siya magsalita.

“Parang in reality, nakikita niya kung gaano kagulo ang politics.

“Actually, ako rin, I don’t ask anything about that.

“I guess she knows what’s going to happen, but I don’t want to ask.”

Paano kung sakaling humingi si Heart ng suporta para sa asawa nito?

Sabi ni Ayen, “Alam mo, so funny, ha, she doesn’t ask anybody for support.

“Maybe if she’s asking for support, it’s for her painting and for the projects that are upcoming.

“That’s what we talk about. We talk about paintings all the time because I also collect.

“She’s so talented, I love her paintings.

“The next time daw na magkakaroon siya ng exhibit, i-invite niya ako.

“Sabi ko, ‘Please,’ because I love her collections.

“Kinukuwento niya iyon sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN