Daniel Padilla ecstatic over fan meet with NBA star Stephen Curry

Daniel Padilla on meeting NBA star Stephen Curry: "I cannot believe this.. @StephenCurry30 Thank you.. #GodisGood," says the Kapamilya star on Twitter this Saturday, September 5.


Sa wakas ay personal nang nakilala ni Daniel Padilla ang iniidolo niyang NBA star na si Stephen Curry.

Trending topic ang pagkikita ng dalawa sa media event ng isang international sportswear brand, na ginanap sa MOA Arena ngayong Sabado, September 5.

Base sa series of Instagram posts ng isang fan group na @dashingkathniel, makikitang todo ang ngiti ni Daniel nang nagkaroon siya ng pagkakataong makapagpakuha ng larawan kasama si Stephen.

Agad na ni-repost ni Daniel ang isa sa kanyang larawan kasama si Stephen at tinag pa ang NBA star sa Twitter post ng Kapamilya actor.

I CANNOT BELIEVE THIS.. @StephenCurry30 Thank you.. 🙌🏼 #GodisGood pic.twitter.com/LrV0GlSP3q

— Daniel Padilla (@imdanielpadilla) September 5, 2015

Maging ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay ni-repost din ang naturang larawan.

Ayon kay Karla, hindi nakatulog ang anak dahil sobrang excited ito na makita ang idolo.

Si Stephen ay star guard ng Golden State Warriors at siyang hinirang na Most Valuable Player (MVP) ng NBA ngayong taon.

Matatandaang naiulat noong Hulyo ang tungkol sa pag-follow ni Stephen kay Daniel sa Twitter.

Bilang isang basketball fan, nag-post pa si Daniel noon ng “OMG” sa kanyang Twitter account.

READ: NBA star Stephen Curry follows Daniel Padilla on Twitter

Sa ngayon, isa si Daniel sa 578 personalities na pina-follow ng sikat na NBA star, na mayroong mahigit 2.8 million followers sa Twitter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN