Alden Richards and Maine Mendoza finally meet face to face

Dumating na ang "tamang panahon" para sa unang pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza sa inaabangang KalyeSerye ng Eat Bulaga, pero bago pa man maglapit ang kanilang mga kamay ay may humarang nasa kanila.


Dumating na ang "tamang panahon" para sa unang pagkikita nina Alden at Yaya Dub sa inaabangang KalyeSerye ng Eat Bulaga, ngunit hindi naging maganda ang pagtatapos nito.

Sa episode ng Kapuso noontime show ngayong araw, September 5, ay nagharap sina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub sa Wildcard Edition ng "Bulaga Pa More" segment.

Si Alden ay nag-perform ng isang number na inspired ng "Mr. Pogi," habang si Maine naman ay ang "Fatalbugan" segment ang ginawang inspirasyon.

Ngunit maliban sa pagsu-showdown ng dalawa ay mas inabangan ng mga manonood at AlDub fanatics kung magkikita na sa wakas sina Alden at Maine.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na kundisyon ni Lola Nidora (Wally Bayola) na hindi sila magkikita kahit na sa iisang stage lang sila magpe-perform.

Bago ang kanilang showdown ay nagpalitan muna ng fan signs sina Alden at Maine.

Si Maine ay nasa labas lamang ng Broadway Centrum habang si Alden naman ay nasa loob na ng studio.

Pinansin ni Alden ang pagiging maganda ni Maine, habang sinabihan naman ni Maine si Alden na cute daw ito.

THE FIRST MEETING. Unang nag-perform si Alden.

Habang nagpi-perform si Alden sa stage ay nasa may lobby lang si Yaya Dub at nanonood sa kanya sa monitor.

Pagkatapos mag-perform ni Alden ay sinalubong siya agad ni Lola Nidora at ipaalala ang usapan nilang hindi siya makikipagkita kay Yaya Dub.

Pinag-pinky promise pa ni Lola Nidora si Alden, na bagamat halatang labag sa kanyang kalooban ay pumayag pa rin siya.

Dinala ni Lola Nidora si Alden sa backstage para mag-merienda raw muna sila, habang naghahanda naman si Yaya Dub sa kanyang production number.

Nang si Yaya Dub na ang mag-perform ay malungkot siyang pinapanood ni Alden sa may backstage.

Pero sa isang punto ay nakiusap si Alden kay Lola Nidora na payagan na siyang makipagkita kay Yaya Dub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matapos na ang performance ni Yaya Dub ay nakahanap ng butas si Alden nang saglit na nawala si Lola Nidora sa kanyang tabi.

Naghiyawan ang mga tao na nasa audience nang maghanapan sa stage at sa backstage sina Alden at Yaya Dub.

Sa aisle sa likod ng stage naganap ang unang pagkikita ng dalawa.

At pagkatapos ng ilang sandali ay nagtama na ang mga mata nina Alden at Yaya Dub sa personal, na lalong ginawang romantiko ng background music na "God Gave Me You"—ang kanta ni Alden para kay Yaya Dub.

Halatang kinilig si Maine sa unang pagkikita nila ni Alden nang malapitan dahil hindi nito maitago ang ngiti nang masilayan na sa personal ang Pambansang Bae.

Ngunit nang maglalapit na sila ay biglang humarang ang isang wall at lumabas sa itaas si Lola Nidora, na galit na galit sa ginawa ng dalawa.

Naglitanya si Lola Nidora sa kahalagahan ng pagtitiwala at paghihintay sa "tamang panahon."

Ikinalungkot naman nina Alden at Yaya Dub ang nangyari at napaiyak sila pareho.

Nang ipapasundo na sana ni Lola Nidora si Yaya Dub sa mga Rogelio ay kitang-kita na nakikipag-selfie pa ang mga ito sa hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito, Vic, at Joey at kay Allan K.

Pero biglang dumating ang dalawang lalaking nakatakip ang mukha at dinukot si Yaya Dub.

Sinubukan nina Alden at Lola Nidora na habulin si Yaya Dub, pero hindi na nila ito naabutan.

BREAKING THE TWITTER RECORD. Hindi pa man nagsisimula ang Eat Bulaga! ngayong araw ay umabot na sa isang milyon ang tweets para sa hashtag na #ALDUBBATTLEForACause.

At bandang ala-una ng hapon ay umakyat na ito sa 2 million tweets.

Nang matapos ang Eat Bulaga! bandang 2:30 P.M. ay umabot na ito sa 3.25 million.

Habang isinusulat namin ito ay umabot na sa mahigit 4 million ang tweets para sa #ALDUBBATTLEForACause.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, nabasag na nito ang 3.6 million tweets na naitala ng #ALDUBMaiDenHeaven noong August 29.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! ay nagpalitan ng mensahe sina Maine at Alden sa Twitter tungkol sa pagkikita nila:

It was nice seeing you.... so nice. I am very glad. - Maine #ALDUBBATTLEForACause

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 5, 2015

Nice seeing you too, sayang hindi man lang ako naka shake hands sayo. 😕 #ALDUBBATTLEForACause

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 5, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN