Vic Sotto gets teased about engagement to Pauleen Luna; quips, "Sinisigurado ko lang, baka maunahan ako ng AlDub."

Vic Sotto was caught off guard when a "Sugod Bahay" winner, Aling Nena, greeted him, “Happy wedding...” Bossing (his moniker) recently announced his engagement to longtime girlfriend Pauleen Luna.


Halatang nabigla si Vic Sotto nang bigla siyang batiin ng “Happy wedding!” ng isang 73-year-old winner sa "Juan For All All For Juan Sugod Bahay" segment ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, September 5.

Kinakapanayam noon ng Eat Bulaga! co-hosts na sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros si Lola Nena ng Barangay 598, Zone 59, Sta. Mesa Manila.

Pagkatapos ay biglang sinabi ni Lola kay Vic, “Salamat po, Bossing! Happy wedding, Bossing!”

Hindi man nagdetalye si Lola Nena, malinaw na tinutukoy nito ang engagement ni Vic, 61, at Eat Bulaga! co-host na si Pauleen Luna, 26.

Read: Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna

Buwelta ni Vic sa contestant: “Grabe naman. Masyado ka namang adelantada... Akala ko wala kang TV?”

Agad na tinukso si Vic ng kanyang co-hosts na sina Senator Tito Sotto, Joey De Leon, Allan K, Jose, at Paolo.

Sabi ni Tito Sen, “Updated ka ha, Aling Nena!”

Si Joey naman ay nagbigay ng suhestiyon na puwedeng panibagong konsepto ng kalyeserye ang real-life love story nina Vic at Pauleen.

“Oy, 'yan nga pala ang susunod nating istorya sa kalyeserye. Kapag nagkita na yung dalawa, si AlDub,” nagbibirong pahayag ni Joey.

VIC-PAULEEN TO WED SOONER THAN ALDUB. Kilala si Vic sa pagiging pribado pagdating sa usapin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Ngunit game na nakisakay sa biruan si Vic at sinabing baka maunahan pa siya ng tambalang AlDub na magpakasal, kaya napagdesiyunan niyang lumagay na sa tahimik.

Ang AlDUb ay ang sikat na tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza).

Hirit pa ni Vic, “Hindi... Sinisigurado ko lang, baka maunahan ako ng AlDub.

“Nahuli na sa biyahe, maunahan pa ako ng AlDub! Ano 'to, ha?”

Gayunman, makikitang hindi talaga sanay si Vic na pag-usapan sa harap ng publiko ang kanyang lovelife.

Sabi na lang ni Vic tungkol sa pagkakalagay niya sa hot seat, “Umiinit sa studio!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataong wala si Pauleen sa Eat Bulaga! dahil kasalukuyan itong nasa U.S. upang dumalo sa kasal ng isang kaanak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN