Nagtagpo na sa wakas ang isa sa itinuturing na pinakasikat na loveteam ngayon—sina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang AlDub—sa episode ng hit KalyeSerye ng Eat Bulaga ngayong Sabado, September 5.
Matapos ang kani-kanilang production number para sa wildcard edition ng #DabarkadsPaMore #BulagaPaMore challenge, nagkita sa backstage sina Alden at Maine o Yaya Dub.
Subalit ang pagtatagpong ito ay hindi nagtagal dahil hinadlangan silang muli ni Lola Nidora.
Gayunman, tila masaya naman sina Alden at Maine sa kanilang sandaling pagtatagpo, base sa kani-kanilang Twitter posts:
It was nice seeing you.... so nice. I am very glad. - Maine #ALDUBBATTLEForACause
— Maine Mendoza (@mainedcm) September 5, 2015
Nice seeing you too, sayang hindi man lang ako naka shake hands sayo. 😕 #ALDUBBATTLEForACause
— Alden Richards (@aldenrichards02) September 5, 2015
Me: alden ano feeling nang magtama mga mata nyo? Alden: iba!!! Di ko maipaliwanag ang feeling. Ayiiiiee!!!!!! #ALDUBForACause
— allan k (@allanklownz) September 5, 2015