Jennylyn Mercado advises StarStruck bets: "Huwag silang susuko. Laban lang nang laban. Makikita nila na it’s all worth it."

" data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg">

Jennylyn Mercado on being a StarStruck judge: "Kasi ang mga kasama ko sina Tito Joey [de Leon], Ms. Regine [Velasquez-Alcasid], at si Kuya Dong [Dingdong Dantes]. Parang ka-level ko na ba sila?"


Si Jennylyn Mercado pa rin ang masasabing pinakasikat sa mga naging produkto ng artista search na StarStruck, kung saan siya ang tinanghal na first female winner noong 2003.

At ngayon, uupo siya bilang isa sa mga kasapi ng StarStruck Council, o hurado sa muling pagbabalik ng reality show nitong Monday, September 7, sa GMA-7.

Sa teaser shoot ni Jennylyn, sinabi nito na first time siyang magiging judge ng isang contest sa TV. Kaya clueless daw siya kung ano ang tamang pag-judge sa isang contestant.



JITTERS AND NOSTALGIA. Kaba at nostalgia ang nararamdaman ni Jennylyn bilang hurado ng StarStruck, kung saan siya unang na-discover.

Sambit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Artist Center: “Ngayon ko lang ma-experience na maging judge talaga.

“Hindi ko alam ang feeling. Kasi noon, ako ang pinapanood ng mga judges sa StarStruck.

“Ngayon, ako na ang isa sa mga judges sa mga baguhang papasok na artista ng Kapuso network.

“Iniisip ko nga kung deserving ba ako na maging part na ng StarStruck Council.

“Kasi ang mga kasama ko sina Tito Joey [de Leon], Ms. Regine [Velasquez-Alcasid], at si Kuya Dong [Dingdong Dantes]. Parang... ka-level ko na ba sila?

“Naisip ko na lang na siguro, yung mga experiences ko bilang first female winner ng StarStruck ang puwede kong maibahagi sa mga baguhan na ito,” diin ni Jennylyn.



NOT EASY. Pinaalala niya sa contestants na hindi madali ang pinasok nilang contest.

Kailangan daw, matibay ang loob nila at hindi sila susuko sa mga pagsubok na ibibigay ng mga magtuturo sa kanila sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, at pakikitungo sa iba’t ibang tao sa showbiz.

Nag-throwback nga si Jennylyn sa matitinding hirap na pinagdaanan niya noong contestant siya ng unang StarStruck noong 2003.

“Sixteen lang kasi ako noon. Hindi ko alam ang pinasok kong contest na iyon. Akala ko na madali lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una, naisip kong mag-back out. Pero nandoon na rin lang ako, ituloy ko na. Kahit na nahirapan ako sa ibang mga challenges namin, pinagtiyagaan ko talaga.

“Ang pinakamahirap ay yung dancing challenge with Sir Douglas Nierras [na namumuno ng tanyag na dance group na Powerdance].

“Doon talaga namin naranasan ang masigawan at mapiga nang husto sa pagsayaw.

“In the end naman, okey ang lahat, kasi marami kaming natutunan na hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin sa trabaho ko.”



WORTH IT. Heto lang daw ang puwedeng maging advise niya sa StarStruck constestants.

“Ipakita nila ang makakaya nila.

“Huwag silang susuko. Laban lang nang laban. Makikita nila na it’s all worth it.

“Dream, believe, survive lang.”



GRATEFUL FOR POSITIVE FEEDBACK. Labis ang pasasalamat ni Jennylyn sa positive feedback na natatanggap ng My Faithful Husband, ang kanyang primetime teleserye with Dennis Trillo sa GMA-7.

Ikinatutuwa ng aktres ang maraming katanungan ng fans via social media tungkol sa itinatakbo ng istorya ng teleserye.

Pinupuri nila ang mahuhusay na performances nina Jennylyn (bilang Mel), Dennis (Emman) at Mikael Daez (Dean).

Kahit kinaiinisan ito, marami raw ang nakaka-relate sa character ni Snooky Serna, ang mukhang perang ina ni Emman na si Cedes, dahil may ganyang mga ina raw sa totoong buhay.

May mga tanong tungkol sa ginagawang pagtataksil ni Mel kay Emman dahil kay Dean.

May netizens na ayaw kay Dean at kinukuwestiyon si Jennylyn kung bakit kailangan niyang makiapid, samantalang ang bait-bait naman daw ni Emman.

“Hindi ko nga sila masagot,” natatawang sagot ni Jennylyn.

“Yung iba nasasagot ko, e. Pero may mga questions na mahirap hanapan ng sagot sa ngayon.

“'Tsaka ayoko din namang magbigay ng mga iba pang detalye.

“Siyempre, hindi ko ibibigay ang mga mangyayari pa sa teleserye namin.

“Lagi ko na lang nire-reply na tutukan nila ang teleserye para malaman nila ang mga kasagutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FANS ON SOCIAL MEDIA. “Thankful lang kami ni Dennis sa mga fans namin on social media.

“Gabi-gabi ay nagte-trend kami on Twitter na ikinakatuwa ng buong cast and crew ng My Faithful Husband.

“Kaya lalo naming pinapaganda ang mga eksena para mas tutukan pa nila kami gabi-gabi.”

" data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg">


" data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/56940/jennylyn-mercado-advises-starstruck-bets-huwag-silang-susuko-laban-lang-nang-laban-makikita-nila-na-" data-desc="Jennylyn Mercado is grateful for the postive feedback she is getting for her new GMA teleserye, My Faithful Husband." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f87dd5455.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN