Ken Chan on being paired with Fabio Ide: “Nakakatuwa po na ngayon pa lang, may mga fans na kami."

Ken Chan on the perks of being a solo actor: “Masarap din sa pakiramdam. Dahil ang dami mong napapatunayan at parang ang dami mong puwedeng gawin.”


Sa September 14 na magsisimulang umere ang pinakabagong afternoon series ng GMA-7 na Destiny Rose. Bida rito si Ken Chan, na gaganap bilang isang transwoman.

Ito ang papalit sa Healing Hearts, kung saan isa rin si Ken sa major cast members.

“Sobrang thankful and blessed ako na pagkatapos ng Healing Hearts, meron kaagad akong Destiny Rose, na ako na ang title role,” sabi ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



LGBT-FRIENDLY. Kampante raw siya na positibo ang magiging reaksiyon ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community sa Destiny Rose.

“Sobrang matutuwa sila. Dahil for me, Destiny Rose po yung magiging instrument para mabuksan yung isip ng mga tao about transwomen at yung mga issues about LGBT.

“Acceptance pa rin kasi ang higit na kailangan nila, e. Iyon pa rin ang number one na issue sa kanila, although meron na rin namang nakakaintindi at rumirespeto sa kanila.

“Pero sana, mas marami pa ang magpakita ng pagtanggap.”

Open ba si Ken kung may lumapit sa kanya mula sa LGBT community at mag-offer na maging spokesperson ng Destiny Rose?

“Wow!” sabay ngiti ni Ken. “Gusto ko pong mangyari iyon.

“Gusto ko po na si Destiny Rose, maging icon. Gusto ko na maging instrument siya para sa LGBT group at magamit siya sa kanilang mga isinusulong o ipinaglalaban.”

Ano sa tingin ni Ken ang magandang magagawa ng project na ito sa career niya?

“Ini-expect ko po na makakatulong ito sa aking pagiging aktor ko. Dahil sobrang challenging nung role, hindi po siya biro.

“Kung sinuman ang tumanggap ng ganitong klaseng role, sobrang mag-i-improve bilang isang artista, dahil sobrang hindi biro yung ganitong klaseng role.

“And I’m just being honest. Kapag nagkaroon ka ng lead role po, maraming pintuan ng opportunities sa showbiz ang magbubukas.”



SUPPORTIVE CO-STARS. Sobrang supportive nga ba nina Katrina Halili at Sheena Halili, ang co-stars ni Ken, sa kanyang pagpu-portray bilang isang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo!” tawa ni Ken. “Niyaya nila akong mag-gym!

“Kaming tatlo daw po, bonding, as sisters, sabi nila.

“Tapos, bibigyan daw ako ni Katrina ng pampapayat. Tuturuan daw ako ni Sheena na magkilos-babae.

“Tutulungan daw nila ako. Sobrang ang babait nilang dalawa.

“Pati si Ate Manilyn [Reynes], very supportive din po. Siya ang gumaganap bilang mama ko."

Si Sheena po, kapatid ko sa story. 'Tapos si Katrina, pinsan, pero kontrabida siya sa buhay ni Destiny Rose.

“Si Joko Diaz naman po ang papa ko. Kasama din po sa cast sina Michael de Mesa, Jackielou Blanco, Irma Adlawan, JC Tiuseco, Ken Alfonso, at si Jeric Gonzales.”



TIME TO SHINE. Masasabi ba ni Ken na his time has come?

“Masasabi ko na itong 2015 is my year. Kasi nagkaroon po ako ng album, nagkaroon ako ng mga teleserye like Healing Hearts. Nagkaroon din ako ng international TV commercial na sa China [ipinakita]… yung sa Colgate po.

“Tapos, nagkaroon po ako ng biggest break sa GMA-7. Ito ngang Destiny Rose.”

So it’s worth the wait?

“Sobrang worth it po, lahat-lahat ng pinaghirapan ko.”

Kung kani-kaninong young actress siya sinubukang ipareha, kaya naman pala niyang maging solo star.

“Kay Fabio Ide [leading man ni Ken sa Destiny Rose] lang pala… si Fabio Ide lang ang hinahanap ko pala!” natawang biro ni Ken.

At gaya ng nabuong tambalan na TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa My Husband’s Lover, meron na rin daw bansag ang tandem nina Ken at Fabio, ang FabKen.

Saad ni Ken, “Actually, magandang element yung loveteam. Effective sa showbiz talaga ‘yan, e.

“Pero, kung solo actor, masarap din sa pakiramdam. Dahil ang dami mong napapatunayan at parang ang dami mong puwedeng gawin.”



FABKEN. Malamang ba na maging parang TomDen ang FabKen tandem nila ni Fabio?

Tugon ni Ken, “Nakakatuwa po na ngayon pa lang, may mga fans na kami. So… sana nga po ay marami ang sumuporta sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And as far as I’m concerned naman po, lahat po ibibigay ko para sa Destiny Rose.

"Lahat gagawin ko… para sa ekonomiya, pak pak pak!” tawa ulit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN