Manny Pacquiao denies retiring from boxing in 2016: “I know better what is happening to my body.”

Manny Pacquiao on rumors that he's retiring from boxing: "Just leave it alone. Better not to react to that."


Ayon sa promoter ni Manny Pacquiao na si Bob Arum, magreretiro na sa boxing ang Pambansang Kamao.

Sa interview na ibinigay ni Arum sa ilang miyembro ng international media noong nakaraang Huwebes, September 3, isang laban na lang daw ang puwedeng gawin ni Manny dahil sa 2016 ay magre-retire na ito.

Mas pagtutuunan nito ng pansin ang kanyang pagtakbo bilang senador.

Kasalukuyang congressman si Pacquaio sa probinsiya ng Sarangani sa South Cotabato.

Dagdag pa ni Arum na mas mauuna pa raw si Manny na mag-retire kaysa sa huling nakalaban nitong si Floyd Mayweather, Jr.



POLITICAL SCENARIO. Alam kasi ni Arum ang lahat ng plano ni Manny at kabilang na rito ay ang isang maganda at maayos na political career.

“He’s going to fight again next year, but his goal is to become a senator in the Philippines, which he will be next year, and then to be president,” pahayag pa ni Arum.

Sinabi rin ni Arum na hindi posibleng magkaroon pa ng rematch sina Manny at Floyd.

May inaayos siyang huling laban ni Manny sa dating two-time world champion na si Amir Khan.

Noong lumabas sa online sports websites ang interview na ito ni Arum, mabilis na sumagot si Manny tungkol sa balitang magreretiro na siya sa boksing.



MANNY’S DENIAL. Pinabulaanan ni Manny na magreretiro na siya sa 2016 dahil kaya pa raw niyang lumaban ng ilang beses pa.

Hindi raw magiging dahilan ang kanyang political career para itigil na niya ang pakikipaglaban sa boxing ring.

“I know better what is happening to my body.

"Just leave it alone. Better not to react to that,” pahayag ni Manny sa mga binitiwang salita ni Arum.



SHOWBIZ AND POLITICS. Eight-time world champion sa magkakaibang weight divisions si Manny.

Napagsabay-sabay rin niya ang pagiging athlete, singer, artista, at pagiging pulitiko.

Sa kasalukuyan ay mayroon siyang sports program sa GMA-7, ang MP Sports Science.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita ring may gagawin siyang sitcom with Wowowin host Willie Revillame.

Wala pa ring kumpirmasyon si Manny kung tatakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno sa 2016. Ang kinumpirma lang niya ay ang susunod niyang laban sa isang unnamed opponent sa April 2016.

Pero sinisiguro ni Manny na hindi raw iyon ang magiging huling laban niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN