TAPE executive Malou Choa-Fagar on AlDub phenomenon: "I am in awe, I am amazed..."

Malou Choa-Fagar on AlDub loveteam: “It was an accident. Accident sa atin, but I guess it was really part of God’s big plan, di ba? Na after thirty-six years, sumipa talaga ang Eat Bulaga nang todo-todo. Kasi, sumisipa naman siya, pero ngayon, parang ‘Wow!’”


Tila hindi rin makapaniwala ang senior vice president at chief operating officer ng TAPE Inc. na si Malou Choa-Fagar sa sobrang kasikatan ngayon ng AlDub at ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang TAPE ang producer ng noontime show na napapanood sa GMA Network.

Ang AlDub naman ay ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Pahayag ni Ms. Malou, “I am in awe, I am amazed by the reaction of AlDubnations.

“They call them AlDubnations and we call them AlDubarkads.

“Grabe yung dedication nila, grabe yung pagmamahal nila.

“Ewan ko kung merong ganung katinding pagmamahal ba na nangyayari.”

Ang tinutukoy ng TAPE lady executive ay ang kakaibang pagmamahal at atensiyon na ibinibigay ng publiko sa tambalan nina Alden at Maine.



Nagugulat na nga lang daw sila sa dami ng tao na dumarating sa Broadway Centrum na gustong manood ng Eat Bulaga.

Ngunit dahil sa dami ng dumadagsang tao ay hindi nakakapasok ang lahat, pero hindi pa rin sila umaalis sa pag-asang lumabas si Alden para makita nila.

At maging sa mga barangay na pinupuntahan ng “Juan For All, All For Juan” segment ay napupuno rin ng mga tao dahil gusto naman nilang makita si Maine o Yaya Dub.

Kuwento pa ni Ms. Malou, “Every Saturday, talagang ganun, ha. Gusto nilang makita si Alden.

“Sa barangay namin, never nagkaroon ng ganung karaming tao, kasi inaabangan na nila si Yaya Dub.

“Alam niyo ba, dati meron kaming line, di ba?

“Ngayon, wala nang line, kasi nga sa dami ng tao sa venue ng Eat Bulaga.”

Ang tinutukoy ni Ms. Malou ay ang Bayanihan line ng mga taga-barangay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Malou sa first birthday party ng apo ng co-PAMI member niyang si Dolor Guevara, sa Jolibee Metropoli, Libis, Quezon City, kahapon, September 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PHENOMENAL LOVETEAM. PHENOMENON. Paano naman niyakap ng ibang Dabarkads o co-hosts ng Eat Bulaga! ang popularidad ng AlDub?

Pahayag ni Ms. Malou, "Noong una, alam nila na it's part of something ng show.

“Noong nakita nila na, ‘Uy, iba 'to! Hindi lang siya sandali, hindi lang siya konting kinilig lang ang mga tao.’

“Sila rin, tuwang-tuwa with AlDub, lalo na si Joey de Leon.

"Kahit na si Tito [Sotto], during break niya sa Senate, will always be watching AlDub, too."

Natutuwa rin si Ms. Malou nang malaman niyang pati mga artista, kahit na taga-kabilang network, ay nanonood at nagtu-tweet pa tungkol sa AlDub.

Kabilang na rito ang Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

Waaaaah!!! Nagkita na silaaaaaa!!!!

— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) September 5, 2015

Si Lola...KJ!!! Hahaha ang saya nito! Kinilig ako.

— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) September 5, 2015

Saad ni Ms. Malou, "It's really phenomenon, the AlDub effect, tumama na rin sa kanila.

“Kasi ganun yun, e, bandwagon nga.

"Umpisahan mo, maraming… well, sunud-sunod na 'yan."



PART OF GOD’S BIG PLAN. Thirty-six years nang umeere sa telebisyon ang Eat Bulaga! pero nananatili itong trendsetter, at patunay nga nito ang tagumpay ng AlDub at Kalyeserye.

Pahayag tungkol dito ni Ms. Malou, “Alam mo, lahat kami, we acknowledge that God really loves us.

“Talagang meron Siyang ibinibigay sa amin.

“Kahit anong mangyari, may ibinibigay Siya sa amin.

“It was an accident,” pagtukoy niya sa kasikatan ng AlDub.

“Accident sa atin, but I guess it was really part of God’s big plan, di ba?

“Na after thirty-six years, sumipa talaga ang Eat Bulaga nang todo-todo.

“Kasi, sumisipa naman siya, pero ngayon, parang ‘Wow!’”

Pagdating naman sa TV ratings ay napakalayo ng lamang ni Eat Bulaga! sa mga katapat nitong programa.

“Speechless,” sambit ni Ms. Malou. Competition will always remain competition no matter what.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN