Malou Choa-Fagar describes Maine Mendoza behind the camera

TAPE executive Malou Choa-Fagar on Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub: “Fun-loving person lang talaga siya. Chill, napakaano nga niya, e… di ba, noong isang party, pina-funny face pa niya ako? Sabi ko, ‘Ikaw talaga, ikaw lang ang nakakagawa sa akin niyan.’ Ganun lang, nakakasira ng paggalang sa akin!”


Sa kabila ng napakaraming humahanga, napapasaya, at nai-inspire sa Aldub at Kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi pa rin nawawala ang mangilan-ngilang naninira o bashers.

Ngunit ipinagkikibit-balikat lamang ito ng TAPE Inc. executive na si Malou Choa-Fagar, na namamahala sa Eat Bulaga! kung saan napapanood ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Saad niya, “Normal lang naman ‘yan.

“Siyempre may kanya-kanyang faction din naman ang mga loveteams, hindi mo talaga maiaalis.

“Pero ang maganda lang kasi dito, si Maine, na makikita rin naman sa mga tweets, meron siyang sinasabi na, ‘Please, kapag hindi rin naman maganda ang sasabihin niyo, huwag na lang kayong magsalita.’

“So, siya rin mismo ang nagsasabi at very positive.

“So, she’s really very educated.”

Bagamat sikat na sikat si Maine ngayon, kaunti pa lang ang alam ng publiko tungkol sa kanya.

Limitado pa rin kasi ang exposure nito sa media bilang pinapanatili ng Eat Bulaga! ang misteryo niya, lalo na’t hindi pa naririnig ang kanyang boses.

Paano ang pagkakakilala ni Ms. Malou kay Maine?

Sabi niya, “Fun-loving person lang talaga siya.

“Chill, napakaano nga niya, e… di ba, noong isang party, pina-funny face pa niya ako?

“Sabi ko, ‘Ikaw talaga, ikaw lang ang nakakagawa sa akin niyan.’

“Ganun lang, nakakasira ng paggalang sa akin!” natatawang biro pa niya.

Patuloy ni Ms. Malou, “Mabait, hindi siya madaldal. Nakaupo lang siya. May breeding yung bata.”



ALDUB LOVETEAM. Ang tanong ngayon ng marami ay kung saan hahantong ang loveteam na nabuo nina Alden at Maine.

Pahayag ni Ms. Malou, “Alam niyo, siyempre everybody’s wishing, di ba, that there's really more than what you see on TV.

“Siyempre, puwede ba akong sumagot nun? Siyempre hindi, di ba?”

Sambit pa niya, “Sa tamang panahon.”

Natutuwa rin si Ms. Malou dahil marami ang nai-inspire dahil sa AlDub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng TAPE lady executive, "May isang tweet nga sinasabi, dahil daw sa AlDub, naniwala siyang muli sa love.

“Ang ganda ng values na nakukuha at nararamdaman nila."

Maganda rin ang naibabahaging values ng karakter ni Wally Bayola na si Lola Nidora, katulad kahapon, na hindi dapat binabali ang tiwala at ang pag-ibig ay hindi minamadali.

Sabi ni Ms. Malou, "Thanks to Jenny Ferre, siya siyempre ang in-charge of production. Siya ang in-charge of creative.

“Yung values na nakikita niya bilang siya ay teacher dati, yung values that she knows, nai-impart niya through Lola Nidora.

"And, of course, Poochie Rivera, the director."



WALLY BAYOLA. Sa isang banda, marami rin ang pumupuri at natutuwa kay Wally sa pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Lola Nidora, na humahadlang sa pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub.

Dahil dito, sinasabing "nakabalik" na talaga si Wally pagkatapos ng pinagdaanan niyang eskadalo noong 2013.

Pahayag ni Ms. Malou, "Oo naman, Wally deserves it.

“He's a very good guy. As a matter of fact, he's very cooperative.

"Bilang manager niya ko, he's very cooperative. He will not say no kapag meron akong sinabi.

“Napakabait talaga ni Wally. He deserves all of it."

Bukod kina Alden, Maine, at Wally, malaking factor din daw sa tagumpay ng KalyeSeye sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros; gayundin sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at Allan K na nasa studio at nagpi-feed sa kanila.

"The mere fact na nakikita yung tawang totoo, yung tamang sundot para ma-heighten kung ano ang nangyayari, it's a perfect combination of everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN