Ana Capri respects lesbian relationships: “Choice mo ‘yon. E, kung gano’n ang gusto mo, di ba?”

Ana Capri on working with Nora Aunor: “Nakita ko yung sobrang humility niya. 'Tapos yung pasundut-sundot na pagkukuwento niya na parang… sa dami ng mga pinagdaanan niya, never mo siya makikitaan ng regret."


Natapos na ni Ana Capri ang shooting para sa indie film na Pare Mahal Mo Raw Ako, na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

“It was short. But it’s worth it and it was fun,” sabi ni Ana nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa experience niya working with Nora.

“Refreshing sa pakiramdam, kasi I’ve been waiting so long na matupad yung dream ko to be working with her. Kahit short lang yung role ko, I enjoyed every minute of it.”



LESSONS FROM NORA AUNOR. Ano ang pinakaimportanteng natutunan ni Ana sa pakikipagtrabaho sa Superstar?

“To be humble. Nakakabilib na kahit siya ang nag-iisang Superstar ng Philippine movie industry, she remains humble.

“Nakita ko yung sobrang humility niya. 'Tapos yung pasundut-sundot na pagkukuwento niya na parang… sa dami ng mga pinagdaanan niya, never mo siya makikitaan ng regret.

“Na parang everything for her is a new adventure. And I was able to ask her a question nga sa minsang pag-uusap namin.

“Curious lang ako kaya natanong ko siya, ‘Sa dinami-dami ng magagandang role na ginawa mo at lahat ‘yon ay remarkable, ano pa ba yung masasabing dream role pa rin para sa isang Nora Aunor?’

“'Tapos ang sagot niya, ‘Every role is a dream role.’ At na-realize ko, oo nga naman!”

Lesbian si Nora, at girlfriend niya si Ana sa Pare, Mahal Mo Raw Ako, na tinatampukan din nina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan sa direksiyon ni Joven Tan.



MOTHER AND SON. Saad ni Ana, “Hindi nakasentro sa love story o pakikipagrelasyon sa kapwa babae [ang pelikula]. It’s more of yung relationship ng nanay sa anak niya, silang mag-ina [portrayed by Nora and Edgar].

“Parang closet lesbian yung character ni Nora, so hindi alam ng anak niya. 'Tapos, yung anak naman niya, closet gay naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil doon, hindi sila magkakaintindihan. Magkaka-conflict ang relationship nilang mag-ina.

“'Tapos hindi rin ma-reveal ng anak niya na gay siya. So naghiwalay sila ng bahay.

“Pag-alis ng anak sa bahay, yung mommy naman niya nagkaroon ng ka-live in. Which is ako nga.

“'Tapos, ‘yon din ang time na crucial para sa anak niya, na na-in love naman sa best friend niya na magpapakasal naman sa babae.

“So ‘yon ang conflict. Ayoko nang magkuwento pa dahil magi-give away na lahat.”



RESPECT FOR LESBIANS. Ano ang pananaw ni Ana sa lesbian relationship?

“Well, I respect it. Siyempre kanya-kanya namang paniniwala ang mga tao, di ba?

“Depende pa kung ano ang religion o culture mo, di ba?

“Sa akin, choice mo ‘yon. E, kung gano’n ang gusto mo, di ba?”

Nai-imagine ba niya ang sarili na may karelasyong kapwa babae?

“Maganda nga yatang ma-enjoy yung both sides of the world, di ba?” napahalakhak na biro ni Ana.

So puwede?

“Hindi ko masabi. Pero I still prefer a man,” at tumawa uli si Ana.



TV EXPOSURE. Gumaganap si Ana na nanay ng bida na si Yen Santos, kapareha ni JM de Guzman sa ABS-CBN afternoon series na All Of Me.

“Natutuwa ako na mataas ang rating ng first week na ipinalabas ito. Sana patuloy lang subaybayan at suportahan ng viewers,” panghuling sabi ni Ana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN