Annabelle Rama gives up managing stars to concentrate on reality show

Annabelle Rama on being a reality-show star: "Dati, parang nahiya ako dahil nakita ng buong bayan kung sino talaga ang Gutierrez family, yung totoong Annabelle Rama, yung totoong Ruffa Gutierrez. Parang nahihiya kami nung umpisa. Pero bandang huli, parang, 'Bahala na kayo sa totoong pagkatao namin.' Hindi na kami nahihiya kung ano ang sasabihin ng tao."


Masaya si Annabelle Rama na maraming sumusubaybay sa Season 3 ng kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Maraming nagsasabing si Annabelle talaga ang star ng reality show ng pamilya Gutierrez, pero ayaw niyang sang-ayunan ito.

“Hindi naman, ‘Dong. Kasi family naman ‘yan, e.

"Kung wala naman ang family ko, wala namang mangyari diyan, di ba?

“Lahat naman kami, involved. Reality kasi ‘yan, ‘Dong, e.

“Siyempre kapag reality, makikita mo yung totoong Annabelle Rama diyan,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

NO SCRIPT. Si Annabelle—ang kanyang pagtataray, mga nakakatuwa at nakakatawang unguarded moments, pati ang away-bati nila ng anak na si Ruffa Gutierrez—ang madalas na inaabangan ng mga tagasubaybay ng show.

“Maraming salamat na, at least naman, nag-aabang sila, nanonood sila, at nag-e-enjoy sila.

"Itong aming show, walang plastikan, walang fake diyan. It’s reality.

"At nakita mo naman, kaya hindi ako sumikat sa pag-aartista ko, hindi ako marunong umarte na may script, di ba?

“Ito naman, walang script. Talagang ang daming camera na sumusunod sa amin.

“At saka noong una talaga, na first season, talagang hindi ako at ease sa pagkilos. Kasi naiilang ako sa mga camera.

“Pero bandang huli, nakalimutan ko nang may mga camera na dahil nandiyan na, e. Nandiyan na palagi, e.

“Hindi ka puwedeng lagi na lang hindi kumikibo dahil may camera, di ba?

“Kaya naging natural na, kasi nasanay na kami na may camera.

"Hindi na namin iniintindi na may camera sa tabi namin. Wala na."

Patuloy niya, “Actually, one year nang pinag-uusapan ng pamilya ko ‘yan, e.

"Nung natalo ako sa eleksiyon [bilang congresswoman sa Cebu], ipinagdasal ko sa Sto. Niño kung ito na ba ang bago kong career.

“Yung mga talents ko, ipinapa-handle ko muna sa mga kaibigan ko, kasi parang pinili ko na nga itong aming show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hahaluan ko pa ng pagma-manage, hindi ko na yata kaya.

"Ang pamilya kasi namin ang producer ng show na ito, so we have to concentrate dito.

“Unlike before, ang aking career was only as a manager. Naka-concentrate ako as a manager na talagang full-time.

“Pero after the elections, naisip ko na ibang mundo naman kaya ang pupuntahan ko. Hindi na ang mundo ng pagma-manage.

"At ito na nga sa reality show namin."

Speaking of politics, may offer daw kay Annabelle na tumakbo ulit bilang congresswoman sa Cebu sa 2016 elections.

Pero aniya, “Sa ngayon, hindi ko puwede isabay ang pulitika sa aming reality show.

"Kaya tinanggihan ko na na yung aking pinsan ko sa Cebu na si Mayor Mike Rama.

“Na talagang hindi pa ako puwedeng bumalik diyan kasi busy pa ako sa ibang bagay.”



POSITIVE EFFECT. Ano ang masasabi niyang positibong naging epekto ng show sa kanilang pamilya?

Ayon kay Annabelle, “Positive namang lahat. Kasi naging close kami, nag-bonding-bonding kami.

"Dati, hindi kami nagkikita.

"Ngayon, palagi kaming nagkikita-kita, especially meron kaming mga trip.

“Kaya kailangan talaga meron kaming mga bakasyon para sama-sama lahat.

"Kasi kung hindi, hindi kami magkita-kita na naman.

“Na, hindi ko na alam kung saan si Richard, saan si Ruffa, saan si Raymond.

"Kasi kanya-kanya kami ng lakad kapag walang bakasyon, e.

“Nagsasama-sama lang kami kapag bakasyon na.

“Dati, parang nahiya ako dahil nakita ng buong bayan kung sino talaga ang Gutierrez family, yung totoong Annabelle Rama, yung totoong Ruffa Gutierrez.

“Parang nahihiya kami nung umpisa.

"Pero bandang huli, parang, 'Bahala na kayo sa totoong pagkatao namin.'

“Hindi na kami nahihiya kung ano ang sasabihin ng tao.

"Na kung manonood sila at mag-e-enjoy sila o anuman ang maging reaksiyon nila, okey lang sa akin.

“Pero marami rin namang matututunan sa mga episode ng show, tulad nung pag-aalaga ko sa mga apo ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon bang mayroon siyang mga gustong ipa-edit o ipatanggal sa show?

“Oo, marami akong mga ipinapatanggal.

“Pero ayaw pumayag ng direktor kasi reality daw ‘yan. Hindi raw puwede puro patanggal na lang kami [ng eksena]."

Nangangalahati na ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez. May pinaplano na bang Season 4 nito?

“Wala pang napag-uusapan. Kasi, as of now, nagsu-shoot pa rin kami, e.

“Depende ‘yan sa E! [Channel]. Depende ‘yan sa kanila.

“I hope meron naman kaming fourth season. After ng tenth episode, siguro malalaman na namin.”

Napapanood ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa TFC (The Filipino Channel), Channel 57 ng SkyCable, Channel 25 ng Cignal, at Channel 33 ng Cable Link, every Monday, 9 P.M.



RICHARD AND RAYMOND’S CAREER. Bukod sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez, ano ang mga bagong aabangan sa anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez bilang aktor?

Sagot niya, “Malalaman na lang nila siguro two weeks from now.

"Kasi, di ba, ipinapa-manage ko na siya sa iba?

“Ayoko na nga munang mag-manage.

"After ng elections, nagku-concentrate nga ako sa aming production kaya ipinapa-manage ko sila sa mga kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko naman.

“Basta may mga negotiation tungkol sa mga movies at TV shows. Merong mga ganyan.

“Kasi okey na rin si Richard na bumalik sa trabaho. Parang busy kasi siya kay Zion [Richard’s son by girlfriend Sarah Lahbati].

“Excited siya masyado sa bata. Gusto niyang kasama sa paglaki ng baby.

“E, okey naman si Zion na. Nagsasalita na, three years old na.”

Sa TV5 ba si Richard, magbabalik-GMA o sa ABS-CBN naman?

“Secret muna, ‘Dong. Malalaman niyo na lang ‘yan, ha!”

May naririnig na ba si Annabelle tungkol sa pagpapakasal nina Richard at Sarah?

“Si Richard na lang ang tanungin mo tungkol diyan, ha. Hindi ko masasagot ang tanong tungkol diyan,” iwas ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang kakambal ni Richard na si Raymond?

“Marami siyang trabaho ngayon sa Singapore. Pabalik-balik siya doon.

“Naghu-host siya sa Singapore, sa E! News ng E! Channel.

"Hindi ko nga kilala yung mga ini-interview niya, pero sina Lorin at Venice kinikilig naman masyado.

"Kinikilig talaga sila sa mga ini-interview ni Raymond.

"Ako, wala akong kilalang mga foreigner na mga celebrities, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN