Pormal nang inanunsiyo ni Zsa Zsa Padilla, 51, na engaged na sila ng arkitektong si Conrad Onglao, 60.
Sa kanyang Instagram post noong September 4, ibinahagi ng Divine Diva ang larawan ng kanyang engagement ring.
Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “It's official! Thank you so much for all your warm wishes! Much love from London. God bless us all. #engaged.”
A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) onSep 4, 2015 at 4:46am PDT
Bago ito ay napansin na ng Instagram followers ni Zsa Zsa ang suot niyang singsing sa isa pang larawan, kung saan makikitang may hawak ang singer-actress na hot chocolate drink.
Kasunod nito ay umani na ng congratulatory messages sina Zsa Zsa at Conrad, na mahigit isang taon nang magkarelasyon ngayon.
A photo posted by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla) onSep 4, 2015 at 1:01am PDT
Kasama ni Zsa Zsa ang nobyong si Conrad na lumipad patungong London, England para sa ASAP 20 Live in London show na ginanap kahapon, September 6.
THE PROPOSAL. Sa panayam ng ABS-CBN News sa London noong Sabado, September 5, ibinahagi ni Zsa Zsa na pormal na nag-propose ng kasal sa kanya si Conrad noong August 30.
Kuwento ng singer-actress, “He grabbed my hand and placed the ring there and asked me to marry him.”
Inakala pa ni Zsa Zsa na nagbibiro lang si Conrad, hanggang sa mapansin niyang lumuha ang nobyo.
“But then when I saw his face, he doesn’t get very emotional.
“I’ve been with him a year. I’ve never seen him cry and he was crying.
“So, I was like, ‘Oh, my God! This is serious.”
Nauna nang inihayag nina Conrad at Zsa Zsa na plano nilang magpakasal sa Florence, Italy, sa 2016.
Read: Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao to wed in Italy in 2016
Ang yumaong si Dolphy ang huling nakarelasyon ni Zsa Zsa, sa loob ng 23 taon, hanggang sa bawian ng buhay ang Comedy King noong 2012.
Matatandaang na-annul na rin ang kasal ni Zsa Zsa sa ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari noong 2011.
Habang si Conrad ay matagal nang hiwalay sa ex-wife niyang si Ivy Almario.
Divorced at legally separated na sila sa U.S., at annulled na rin ang kanilang church wedding dito sa bansa.
