Alex Medina, Alex Castro shrug off 'groping incident' at Cosmo Bachelor Bash

Parehong nakaranas ng pandadakma ang mga aktor na si Alex Medina (kaliwa) at Alex Castro sa Cosmo Carnival noong Sabado, September 5.


Nakaranas din pala ng 'pandadakma' ang indie film actor na si Alex Medina nang rumampa siya sa #Cosmo Carnival noong Sabado, September 5, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, sa Pasay City.

Natatawang kuwento ng Pangako Sa ‘Yo actor, “May humawak ng ano ko… babae naman ang humawak.

“Isa lang naman. Okay lang, pinisil niya, kinurot.”

Ano ang mismong nahawakan sa kanya?

Natatawang sabi ni Alex, "Yung hipon!"

Pero dagdag niya, “Wala naman sa akin. Okay lang. Sakto lang.

"E, nahawakan, e."

Isa si Alex sa mga rumampa sa naturang event kung saan, ayon sa mga nakapanood, pinalakpakan nang husto ang kanyang performance.

“IDINAAN KO NA LANG SA SEX APPEAL.” Sa premiere night ng pelikulang Heneral Luna sa SM Megamall Cinema kagabi, September 6, naikuwento ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa kanyang ginawang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

Natatawang sabi niya, “Nakakakaba nung una, pero in-enjoy ko na lang.

“Wala, e, yung mga kalaban ko, ang lalaki [ng katawan]. Dinaan ko na lang sa sex appeal.”

Ano naman ang masasabi niya na may mga naghayag ng kanilang disappointment sa #CosmoCarnival dahil nakapantalon daw ang mga rumampang hunks?

Biro niya, “Oo nga, e. Nag-expect din ako ng mga naka-briefs, hindi ko alam, e.

"Sa backstage, may mga naglalakad na manaka-nakang naka-brief. Siguro tatlo.

“Yung mga celebrity, wala, wala.”

Siya rin daw ay hindi pa naisip na rumampa na brief lang ang suot.

Samantala, hindi naman maitago ni Alex ang pagiging proud sa pelikulang Heneral Luna.

“Sobrang proud na proud ako sa pelikulang ito.

"Matagal naming inabangan at pinaghirapan namin ‘to.

"Kaya parang, ‘This is it. Palabas na siya finally,’ sabi ko.

“Sana maraming manonood nito kasi napakagandang pelikula nito.”

ALEX CASTRO. Gaya ng nabanggit, bukod kay Alex Medina, may isa pang Alex na nahipuan sa taunang Cosmo Bachelor Bash—ang singer-actor na si Alex Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Alex Castro's "jun-jun" groped at #CosmoCarnival 2015

Sa Instagram post ni Alex, sinabi niyang “foul” daw ang ginawa ng “nilalang” na dumaklot sa kanyang pagkalalaki, pero nagpaka-professional lamang daw siya.

Sabi pa niya, “Salamat sa #cosmopolitan at sa lahat na nanood. Dun sa nanghawak bonus na sayo yan! Wag ka na maghuhugas ng kamay. 😉😂😉 #cosmopolitancarnival2015

“We can’t control the crowd but that is foul para sa kahit kanino. Sa part ko i have to be professional sa mga ganun pagkakataon. all we want is to make the audience enjoy the show. ingat nalang sa susunod para di na maulit yung ganitong insidente. But overall it was a great show :)"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN