Claudine Barretto on why her marriage to Raymart Santiago failed: “I think rebound kasi.”

Ayon kay Claudine Barretto, pumasok siya sa pakikipagrelasyon sa estranged husband niyang si Raymart Santiago nang hindi pa siya nakaka-move sa relasyon nila noon ng yumaong aktor na si Rico Yan. “I was so sad, I was so broken, tapos there was somebody who was there,” sabi ng aktres.


"Fifty percent" pa lamang daw na buo ang aktres na si Claudine Barretto pagkatapos ng lahat ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

At malaking tulong umano sa pagbuong muli ng kanyang sarili ang pagiging madasalin niya.

Sa interview ni Claudine sa episode ng Kris TV ngayong Lunes, September 7, sinabi rin ng aktres kung bakit sa palagay niya ay hindi umubra ang pagsasama nila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.

“I think rebound kasi,” pag-amin niya.

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang pakikipagrelasyon niya kay Raymart pagkatapos ng breakup nila ng yumaong aktor na si Rico Yan.

Inamin din ng aktres na hindi pa siya “buo” nang pumasok siya sa relasyon nila ni Raymart.

“I was so broken,” sabi ng aktres.

Aniya, naging matagumpay siguro ang relasyon nila ni Raymart kung buo siya nang naging magkasintahan sila.

“Kasi, parang nakita ko before, I was so sad, I was so broken.

"Tapos there was somebody who was there. Parang knight in shining armor.

"Parang I played safe," paliwanag ni Claudine.

Napagtanto umano ni Claudine na sumuko siya sa relasyon nila ni Raymart nang maramdaman niyang “naubos” na siya.

Nangyari raw ito noong March 2013.

Namatay si Rico Yan noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort, sa Puerto Princesa, Palawan.



NOT YET READY TO LOVE AGAIN. Sa dalawa at kalahating taong hiwalay sila ni Raymart, wala raw nai-date si Claudine na ibang lalaki.

“May mga nagsi-set up, pero hindi talaga siya flourishing.

"May mga gustong magpakilala, pero hindi natutuloy lang."

Gusto na ba niyang magkaroon uli ng lovelife?

Sagot ni Claudine, “Pag dumating siya, parang okay, okay siya.

"Pero to go out of my way para hanapin, hindi pa.

“Okay naman ako, pero I’m still broken and I’m still healing.”

Peace of mind daw ang ipinagdarasal ngayon ni Claudine.

“Talagang complete healing, peace of mind. Yung kaya kong mag-overlook ng offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung kaya kong mag-forgive na totally, na kaya kong i-surrender na lahat-lahat."

Tila hindi sa pagkakaroon ng partner naka-focus ngayon si Claudine, kundi sa kanyang sarili.

Saad niya, “Iniisip ko talaga muna ngayon, ako naman.

"Kasi ako, it’s always other people first, friends, family. Naubos talaga ako.

"And then you wake up one day, and you’re going through something, and you’re alone.

"But, at least, I have my parents."

“UNCOUPLING” WITH RAYMART. Ipinaliwanag naman ni Claudine kung bakit may mga ipinu-post pa siyang pictures sa social media na magkasama sila ni Raymart, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino, kahit hiwalay na sila.

Sabi niya, “We’re trying this thing, yung 'uncoupling.'

"Yung ginagawa nina Gwyneth Paltrow [and estranged husband Chris Martin]. Para sosyal, di ba?

“We have to make decisions with the children as a family pa rin.

"Para sigurong two-three weeks, tina-try kong mag counselling for that… yung uncoupling."

Ang tinutukoy ni Claudine ay ang sikat ngayon sa U.S. na “conscious uncoupling,” na inilarawan ng psychotherapist at author na si Katherine Woodward Thomas bilang pagtatapos ng isang pagsasama "that will leave you feeling whole and healed and at peace.”

Dugtong ng aktres, “Hiwalay kayo, pero you have to be together for the kids when it comes to decision-making, basta anything about the children.

"Ginaya namin sa Amerika.

“Here sa Philippines, nakita ko na pag hiwalay na kayo, parang magkagalit na kayo, e, hindi naman dapat ganun.

“You will always have to have a relationship for your kids.

“Parang isip namin, we failed as husband and wife, pero let’s not fail as parents na.”

Sa ngayon, nasa proseso pa raw sina Claudine at Raymart para maaprubahan ang kanilang annulment.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN