Vin Abrenica admits apprehension over TV5 troubles: “Nagpaparanigan din naman na, 'O, ipon-ipon tayo, ha, huli na ‘to.'"

For Vin Abrenica, there's no point comparing him to his brother Aljur. He says, "Never kong naisip na, 'Uy, Kuya, mas angat ako sa ‘yo.’ Never kong naisip yun dahil, siyempre, I love him so much."


Aware daw si Vin Abrenica sa mga kaganapan sa bakuran ng TV5, kung saan balitang may mga empleyadong mawawalan ng trabaho at may mga departamentong madi-dissolve.

“I heard about that, nabasa ko sa Facebook,” sabi ni Vin sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Napapaisip din ba siya sa sitwasyon ng kinabibilangang network?

Pag-amin niya, “Kinakabahan siguro naman lahat.

“Nagpaparanigan din naman na, joke time na, 'O, ipon-ipon tayo, ha, huli na ‘to!'

“Ako naman, naiintriga ako, pero para sa akin, ayoko munang problemahin.

“May work naman ako ngayon. I want to take it one day at a time.

“Siyempre, pangangamba, meron ‘yan.

“Kung yung staff nga nangangamba, paano pa ang artists?”



TAMPO. Sa isang banda, may bagong proyekto ngayon si Vin sa TV5—ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Fair Lady.

Kasama niya rito sina Jasmine Curtis-Smith at Luis Alandy.

Dahil ba sa nagparamdam siya noon ng “tampo” nang si Mark Neumann ay bigyan ng Baker King, kung kaya ibinigay sa kanya ngayon ang My Fair Lady?

Ayon kay Vin, “Hindi ko alam kung may factor... well, ayoko namang magpakaano.

“Siguro may factor talaga yun, pero considering yung iba nagtatampo, mas lalo kang hindi bibigyan.”

Si Vin ang male winner ng Artista Academy, kaya parang nagkaroon ng isyu na si Mark pa ang naunang nabigyan ng title role.

Naging maayos naman daw agad kung anuman ang naging tampo niya sa Kapatid network.

“Oo naman, naayos naman agad, and they talked to my manager naman siguro.

“Napu-push naman ako, even before Mark, napu-push din naman ako.”

Sa presscon ng My Fair Lady noong September 3 ay biglang dumating ang anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares, na aminadong crush ang co-star ni Vin na si Jasmine Curtis-Smith.

Ano ang naging reaksiyon nila sa pagdating ni Brian at pag-akyat nito sa presidential table upang mag-abot ng bulaklak kay Jasmine, habang ginaganap ang presscon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dagdag-publicity for the show!” natawang reaksiyon ni Vin.

Bilang leading man, hindi ba siya na-turn off na sa halip sa kanila masentro ang atensiyon ng presscon, ang pagdating ni Brian ang pinag-usapan?

Sagot ni Vin, “Of course not, of course not.

“I’m not the boyfriend of Jasmine, I’m her friend.

“Siguro ipasok na lang siya sa show para pumutok lalo. I mean, she’s the son of Senator Grace Poe.”

Dugtong pa niya, “Everyone was surprised, bakit ako mao-offend?”



CINEMA ONE. Samantala, nanghihinayang naman daw si Vin na hindi siya natuloy sa Cinema One Originals movie na Mirador.

Ayon kay Vin, “Management decision po yun.

“Siyempre ako, masakit din po sa akin, kasi nag-audition po ako dun.

“Dinaanan ko po lahat... audition, ilang beses ang callback.

“Nag-workshop na kami, as in apat kaming pinagpipilian.

“Nag-workshop kami hanggang sa kinaltas, kinaltas, down sa ako ang napili.

“Nag-reading kami, pero wala pa namang shooting.”

Dismayado siyang hindi siya natuloy sa proyekto?

“That’s a loss for me, naiisip ko lang yung pinagdaanan ko kung paano ko nakuha yun.

“Ipinagdasal ko na, 'Lord, if it’s really for me, give it to me.'”

Ano ang raw naging dahilan ng management?

“There’s a career path for me na gustong sundan, lalo na sa scheduling nila, like ngayong September.

"Kung ano ang schedule nila, ganun din ang schedule ko.”



ALJUR. Hindi naman maiwasang maikumpara si Vin sa kuya niyang si Aljur Abrenica.

Ngayon daw kasi, nauungusan na niya ang kapatid, lalo na sa pagkakaroon ng projects.

Sabi naman ni Vin, “Siguro sa work, ‘eto, honestly, naiisip ko, ako may trabaho.

“Pero, siya ngayon, he’s preparing for MMFF [Metro Manila Film Festival] niya na Hermano Pule.

“Para sa akin, it hurts me na naiisip ng tao yun.

“I’m also lucky na naiisip nila yun, pero never kong naisip na, 'Uy, Kuya, mas angat ako sa ‘yo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never kong naisip yun dahil, siyempre, I love him so much.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN