Luis Manzano tells offended followers to unfollow him on Instagram

Luis Manzano to some of his Instagram followers who reported him: "To whoever reports my videos, please do the right thing and unfollow if you don’t like my post. You chose to follow so by all means unfollow if you don’t like the content!"


“IF YOU DONT LIKE MY POSTS, PLEASE UNFOLLOW OR YOU WILL GET BLOCKED”

Ito ang mensahe ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano sa mga nao-offend na netizens sa kanyang Instagram posts.

Ilan kasi sa mga ito ang nag-report sa mga namamahala ng Instagram, kaya pinadalhan siya ng mensahe o warning ng photo-sharing site.

Ipinost ni Luis ang mensahe ng Instagram sa kanya kahapon, September 6.

May Instagram posts si Luis na tinanggal dahil may na-violate daw siya sa community guidelines ng naturang photo-sharing site.

Sa nagpa-follow sa Instagram account ni Luis (@luckymanzano), mapapansing karamihan sa mga pinu-post niya ay nakakatawang videos o bloopers na napapanood U.S. shows, tulad ng America’s Funniest Videos at Jackass.

Marami ring ipinu-post ang aktor na male and female private parts.

Minsan pa nga ay ginagawang katatawanan ng 34-year-old TV and movie personality ang kanyang sarili sa Instagram.

Para kay Luis, nais lang niyang patawanin ang kanyang followers dahil kilala naman siya sa showbiz na may kakaibang sense of humor.

Pero ang hindi alam ni Luis, may mga nao-offend na pala sa kanyang ipinu-post na photos at videos, at nag-report pa sa kanyang “inappropriate” content.

Dahil dito ay nag-post si Luis ng ‘angry caption’ para sa mga na-offend sa kanyang mga sini-share sa Instagram:

“To whoever reports my videos, please do the right thing and unfollow if you don’t like my post. You chose to follow so by all means unfollow if you don’t like the content! It’s as if you are invited to someone’s house and then rearrange their furniture because it’s not your thing. Don’t be an idiot, just unfollow me.”

Kahit na sa kanyang profile description ay ito ang inilagay ni Luis:

“NO ADS PLEASE :) IF YOU DONT LIKE MY POSTS, PLEASE UNFOLLOW OR YOU WILL GET BLOCKED :) NO DMs OF SELFIES TOO, PLEASE :)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit one million followers si Luis sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN