Senator Tito Sotto reveals Alden Richards and Maine Mendoza not allowed to endorse candidates in 2016 elections

Senator Tito Sotto reveals Alden Richards and Maine Mendoza turned down offers from two presidential candidates, who separately asked for the popular stars' support in the 2016 electoral campaign.


Inihayag ni Senator Tito Sotto na pinagbawalan ng pamunuan ng Eat Bulaga! ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) na mag-endorso ng sinumang kandidato sa 2016 national elections.

Ito ay sa kadahilanang iniiwasan umano ng pamunuan ng Eat Bulaga! na mabahiran ng kulay-pulitika ang tambalan ng AlDub, na sumikat sa Kalyeserye segment ng GMA noontime show.

Base ito sa panayam ng senador sa Philippine Daily Inquirer kahapon, September 7.

Si Senator Sotto ay madalas kasama nina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, at Michael V na naghu-host ng Kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

Iginiit din ni Senator Sotto na hindi niya hihikayatin sina Alden at Maine na mangampanya para sa kanya sa 2016.

“I am setting the example so that politicians will know we mean it. And we do not want our Dabarkads to be politicized,” pahayag ng TV host-politician.

Hindi tuwirang pinangalanan ng senador, ngunit nabanggit niyang mayroong dalawang presidential candidates ang magkahiwalay na lumapit kina Alden at Maine upang kunin silang celebrity endorsers para sa 2016.

Ngunit tinanggihan umano ito ng dalawa sa kabila ng “big offers” ng hindi tinukoy na presidential candidates at ilan pang kakandidato sa 2016 elections.

Hindi maitatanggi ang popularidad na tinatamasa ng tambalang AlDub, base na rin sa mataas na TV rating ng Eat Bulaga.

Consistent din ang AlDub sa pagiging trending topic sa social media, lalo pa't umaani ito ng milyun-milyong Twitter posts kada araw.

Nito lang nakaraang Sabado, September 5, nakakuha ng mahigit 5.8 million tweets ang #ALDUBBATTLEForACause

Nalampasan na nito ang unang record-breaking tweets ng #AlDubMaidenHeaven na umabot ng mahigit 3.6 million Twitter posts.

In demand din sina Alden at Maine sa mga ahensiya na gustong kunin ang kanilang serbisyo bilang endorsers.

Sa katunayan, may dalawang commercials na ang nakalinya para sa dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN