Ai-Ai delas Alas questioned by waitress at New York resto: “Feeling siguro nila wala akong pambayad.”

Kwento ni Ai-Ai delas Alas, pumasok siya sa isang restaurant sa U.S. at kinuwestiyon siya ng waitress sa dami ng kanyang inorder. Umabot daw sa punto na kinausap ng Pinay comedienne ang Italian owner ng nasabing kainan.


Inilahad ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang naging karanasan nang kumain siya sa isang restaurant sa U.S. kamakailan.

Tumulak patungong Amerika si Ai-Ai—kasama ang iba pang Kapuso stars kagaya nina Dingdong Dantes, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose—sa New York para sa Kapusong Pinoy New York ng GMA Pinoy TV nitong weekend.

Two days ago, ipinost ni Ai-Ai sa kanyang Instagram account ang larawan ng mga inorder niyang pagkain sa nasabing restaurant sa New York.

Sa caption, sinabi ng Kapuso star na kinuwestiyon siya ng waitress kung bakit ang dami niyang inorder.

“E, hindi ako nakaayos, feeling siguro nila wala akong pambayad.

“Sabi ko madami ako pambayad.”

Dugtong pa ni Ai-Ai, umabot pa sa puntong kinausap niya ang may-ari ng restaurant na isang Italian.

Gumamit din si Ai-Ai ng hashtag sa kanyang IG post na ang nilalamang pahayag ay: “don’t judge a book by it’s cover.”

Sa comments section, isang follower ni Ai-Ai ang nagtanong kung kaya ba niyang ubusin ang lahat ng kanyang inorder.

“At 'yan ang sinabi niya sa akin,” sagot ni Ai-Ai, na ang tinutukoy ay ang sinabi sa kanya ng waitress sa restaurant, na hindi naman nagustuhan ng Kapuso comedienne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN