Alex Medina willing to bare for magazine shoot: "Sabi ko nga, suot ko lang dahon ng malunggay."

Alex Medina feels comfortable doing sexy moves on stage: “Kasi nga, di ba, nagba-banda ako? Natural na sa akin yung ganun. Kumbaga, parang second skin ko na lang."


Nag-enjoy nang husto si Alex Medina sa kauna-unahan niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash noong Sabado, September 5, sa SM MOA Concert Grounds.

Hinarot ni Alex ang audience. Tinukso pa niya ang mga ito nang akma niyang ibaba ang front waistline ng kanyang jogger pants.

Nagtilian ang fans sa pag-aakalang may lalabas na kaselanan ang aktor.

Ano ang feeling niya nang makitang tumitili ang mga babae sa kanya?

Sagot ni Alex nang makausap siya ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal), “Flattering. Hindi ko naman ini-expect na in my years [in showbiz] na mangyayari ito.

"Pero for me, trabaho talaga yung una. So, I guess it comes with the job.

“So, you know, respect it and you take good care of it.”

Dahil dito, nagplano si Alex na pagandahin pa ang katawan sakaling imbitahan siyang muli ng Cosmopolitan magazine na rumampa sa susunod na taon.

“Sana nga, e. Ganun talaga yung gusto ko na maraming crowd na naaliw sa ginagawa ko.”

GOING ALL THE WAY. Maganda raw ang naging motivation sa kanya ng Cosmo Bachelor Bash.

“Gusto kong ituluy-ituloy na parang Brat Pitt na porma ng katawan. Kailangan na, e,” sabi ni Alex.

Nag-diet daw si Alex bago sumalang sa show. Hindi raw naging mahirap sa kanya ang maging fit dahil kahit anong kain niya, hindi siya tumataba.

Ipinaliwanag ni Alex ang naging galaw niya sa harap at sa baba ng stage.

“Kasi nga, di ba, nagba-banda ako? Natural na sa akin yung ganun.

"Kumbaga, parang second skin ko na lang.

“So, yun nga, gagawin ko, magdyi-gym na talaga ako para magkaroon ng muscles pa, in case na imbitahan nila ako uli.”

Itutuloy na raw ni Alex ang pagpapa-sexy kahit nagpakita na siya ng puwet sa indie film niyang Palitan.

Kaya na ba niyang mag-frontal nudity?

“Ay, siguro bakat lang!” sagot ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa raw tumodo sa pagpa-sexy si Alex para sa isang magazine shoot.

“Sabi ko nga, suot ko lang dahon ng malunggay!” natatawang sabi niya.

Ibinalita rin ni Alex na may bago siyang pelikula, ang Echorsist.

Kasama rin siya sa epic historical movie na Heneral Luna.

Mayroon din daw siyang gagawing Metro Manila Film Festival 2015 entry na sisimulan ang shooting ngayong September.

Regular pa ring napapanood si Alex sa Pangako Sa Yo, na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN